Liham Para Sa Iyo, Kaibigang Tapat Kahit Sa Gitna Ng Pandemya

Liham Para Sa Iyo, Kaibigang Tapat Kahit Sa Gitna Ng Pandemya

Marami ka sigurong tanong kung bakit ka niloko at sinaktan Just keep on reading at malalaman mo kung paano ko nalagpasan ang ganyang pangyayari.

Minsan na akong nagmahal at minsan narin akong naloko. Ako kase yung tipo ng babae na kahit ilang beses mo ng lokohin kaya ka paring tanggapin ng buong buo. Ako rin yung taong hindi madamot sa chance. Kaya siguro inabuso nila yung ganong paguugali ko. Hindi ako yung taong nagmamahal ng dalawang tao ng sabay. Binabaliwa ko yung ibang taong nagsasabing may gusto sila saakin para lang sa taong mahal ko. Sa tuwing naaalala ko ang mga panahong niloko ako napapaisip nalang ako ng ……..

<aLiham Pangkaibigan, Paanyaya, Pasasalamat - Liham Para Sa Iyo Kaibigang Tapat Kahit Sa Gitna Ng Pandemya />

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon yung ginagawa saakin. Para malaman niyo ang nangyare sakin simulan natin sa panahong unang beses akong naloko. Marami ang hindi makapaniwala na mamahalin ko ang taong datirati ay hindi ko pinapansin at ayaw na ayaw ko. Noong panahong iyon naniwala ako sa sinasabi nilang “The more you hate the more you love.” Hindi sila makapaniwala kase sobrang magkaiba ang ugali naming dalawa. Ako kase yung taong hindi pala away, masipag, magalang, at maaasahan. Siya naman yung taong walang pinipiling kalaban, mapa babae o lalaki ay pinapatulan, siya rin yung taong walang sinasanto. Kahit ako hindi ako makapaniwala na magkakagusto pala ako sa ganoong tipo ng tao. Sabi nga nila “Love knows no boundaries.” Kagaya ng iba nagsimula kami ng masaya. Masaya kami kase madalas kaming magkasundo sa mga bagay bagay, hanggang sa dumating sa point na nahihirapan na raw siya saakin dahil hindi na raw siya yung priority ko at binabaliwa ko nalang daw siya. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya binabaliwala at nasa priority ko parin naman siya. Sadyang hindi ko lang kaya na ibigay sakanya lahat ng oras ko. Marami kase akong sinalihang organization para may mapaglalaanan ako ng libre kong oras. Hindi niya kase maintindihan na mahirap pagsabayin ang pagaaral, at iba pang extra curricural activities. Umabot kami sa point na nasasaktan na niya ako physically. Una, noong pinipigilan ko siyang makipagaway sa kaklase namin. Pinipigilan ko lang naman siya tapos tinulak niya ako, hindi ko alam kung bakit ganon siya noong araw na yon. Pangalawa naman noong gusto niyang kausapin ko muna siya bago ako bumaba para sa formation namin ng CAT. Tumatakbo kami ng mga kasamahan ko tapos hinila niya ako. Ayaw niya akong pabababain, kaya hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko. Wala akong nagawa kundi tumigil at kausapin siya. Isang gabi, may family outing kami. Akala ko busy o kaya may ginagawa lang siya kaya hindi siya makapag message sakin yun pala nakikipag landian sa iba sa Facebook na hindi ko maintindihan kung bakit niya kailangang gawin yon. Lahat ng ginawa niya sakin hinayaan ko lang hanggang sa dumating yung panahong naghanap na siya ng atensyon ng ibang tao. Nakita ko siyang harap-harapang nakikipaglandian sa iba. Syempre dahil mahal ko siya tinanong ko siya……..

Paano Gumawa Ng Lihampangkaibigan​

At pinili niya yung babaeng kalandian niya. Noong araw na yon sobra akong naawa sa sarili ko kase wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Sobra akong nasaktan, lalo na noong sinabi niyang “Walang kinalaman si ******! Subukan niyong gagalawin siya lagot kayo sakin!” Wala akong magawa kundi umiyak. Siya kase yung unang taong naipakilala ko sa nanay ko at kilala rin siya ng mga Lolo at Lola ko. Makalipas ang ilang linggo, wala nalang sakin yung ginawa niya, hindi ko na pinapansin at hindi ko narin siya kinakausap. Dumating yung oras na kinausap niya ako. Sinabi niya saakin na nagkamali siya. Hindi niya raw mahal yung babae at ako yung mahal niya. Humingi siya ng humingi ng tawad, babawi raw siya sakin. Hinayaan ko naman siyang gawin yung gusto niya pero hindi ko na siya binalikan pa kase nasa isip ko na kaya niya pang gawin saakin yung mga bagay na iyon kase nagawa na niya, kaya niya ulit gawin. Nagsawa na ako sa kakahingi niya ng patawad. Kahit pa sabihin niyang nadala lang siya ng emosyon niya ginusto niya parin yung ginawa niya. Sa panglolokong naranasan ko sakanya ako natuto. Sinabi ko sa sarili ko na “Hayaan mo na babalik din naman sakanya yung ginawa niya sayo.” Kase nga……….

Akala ko natuto na ako, akala ko hindi na ulit ako maloloko pero mali pala ako. Dito papasok ang pangalawang beses na naloko ako.Matagal tagal na rin akong sinusuyo ng lalaking nangloko sakin. Syempre babae ako at lalaki siya hindi ko maiiwasang hindi magkagusto sakanya. Sinabi ko naman sakanya na nagkakagusto na ako sakanya, syempre bilang manunuyo naging masaya siya.Nagbibigayan kami noon ng letter na sa bond paper, intermediate pad, yellow paper, graphing paper, at special paper pa nakasulat. Masaya kami kase nagkakasundo kami, may mga bagay na parehas naming gusto o ayaw. Malaki yung tiwala ko sakanya, kase mayroon akong kilala na nagkakagusto sakanya na ka close niya. Sinabi niya dun sa babae na may gusto na nga raw siyang iba (ako). Natuwa ako kase akala ko hindi niya ako lolokohin at ipagpapalit. Mali nanaman pala ako. Nangyare ang pangloloko niya saakinnoong unang beses kong naranasan maglaro sa isang sports competition.

Bago kami maglaro sa Regional Sports Competition nagkaroon kami ng pageensayo sa iba’t ibang lugar. Tumigil kami sa Sta. Cruz, Laguna ng ilang linggo para maghanda. Sa araw-araw na pagtigil namin don ay nanibago ako. Dahil nga unang beses ko hindi ko alam kung ano ang kalakaran sa mga ganoong event. Sobra akong nalungkot kase ang layo layo ko sa mga kaibigan, pamilya at lalo na sakanya. Dahil nga matagal tagal na siyang nanunuyo, nasanay na akong araw-araw ko siyang kausap. Noong mga unang araw namin sa Sta. Cruz natatawagan ko pa siya kase hindi pa kami nageensayo. Hanggang sa hindi ko na siya matawagan kase lagi na akong pagod sa ensayo. Syempre nasanay narin siyang nakakausap ako kaya nanibago siya. Sinabi niya sakin na kada practice raw nila para sa promenade lagi siyang malungkot kase wala ako. Nalaman kong mayroon siyang gustong makapartner, pero hindi ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon. Sabi niya sakin na dun siya komportable ay komportable rin yung partner niya sakanya kaya hinayaan ko siya, pero nalungkot ako. Ang alam ko kase nagkagusto sakanya yung gusto niyang makapartner. Naisip ko nalang na sige bahala na nga gusto niya naman yon. Hinintay kong maramdaman niyang ayokong makapartner niya yon, pero hinfi niya naramdaman. Sa tuwing may practice ng prom yung partner niya raw tyaka yung kaibigan non yung nagpapasaya sakanya. Hanggang sa dumating sa point na nararamdaman kong hindi na siya masaya sakin kaya nagbago ako.Madalas na akong malungkot, kapag kausap ko siya parang lagi akong may problema at walang gana. Kaya siguro naghanap siya ng atensyon ng iba. Naramdaman ko na parang may iba na nga siyang gusto kaya sinabi ko sakanya na balak ko na siyang patigilin sa panunuyo kase nga sa ibang tao na siya masaya. Tinanong niya ako ng paulit-ulit kung bakit, sinabi niya rin sakin na “Sige ikaw bahala kung papatigilin ko na talaga ako.” Hindi ko naman ginawa, hinintay ko lang kung anong magiging reaksyon niya. Simula noong sinabi kong balak ko na siyang patigilin madalas na siyang nagsisinungaling saakin. Wala akong ideya yung bakit siya nagsisinungaling. Kaya hinayaan ko lang siyang gawin yung gusto niya. Naisip ko nalang na si Lord na bahala sa gagawin niya. Dumating ang araw ng laban namin. Kabadong kabado ako noon kase nga first time kong lalaro sa RSC. Second game, battle for bronze, nanalo ako. Sobrang saya ko nung nanalo ako ng second game. Ramdam na ramdam ko yung presensya ni God noong time na yon. Sinabi ko na“Lord sobra-sobrang thank you po sa blessing na ‘to.” Hindi ko kase talaga inaasahang mananalo ako kase wala pang isang taon noong nagsimula ako. Binigay ko parin ang best ko noongthird game, battle for silver, pero natalo ako. Nagpasalamat parin ako kase sobrang blessed talaga ako noong araw na yon.

Liham

Bukas Na Liham Para Sa Isang Matalik Na Kaibigan

Araw ng awarding namin JS Prom ng mga ka batchmate ko. Gustong gusto kong umuwi para lang makahabol sa prom pero di ako nakauwi. Inisip ko nalang na ayos lang yan may bronze medal naman ako at iyon ang kapalit ng hindi ko pagpunta sa prom.

Pagkabalik ko galing sa RSC nalaman ko na nagkakagusto na pala siya dun sa babae at tinutulungan pa siya ng tropa niya na mapalapit dun sa babae. Nalaman ko rin na tumatambay siya sa kung saan-saan makita lang yung babae. Wala man lang ni isa sa mga ka close kong tropa niya ang nagsabi saakin na may pinopormahan na pala siyang iba. Sobra akong nasaktan nung nalaman ko yon. Akala ko kase hindi na ako maloloko. Hanggang akala lang pala.

Liham

Mas naniwala siya sa sinasabi ng iba kesa sa sinasabi ko kaya siya na mismo ang nagsabi sakin na ititigil niya na yung pagsusuyo niya. Pumayag ako kase ako yung tao na hindi naghahabol. Bakit mo pa hahabulin kung siya na yung umaayaw diba? Anong saysay ng paghabol mo e ayaw na nga sayo? Mapapagod kalang. Kaya kung ako sayo….

Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo

Lumipas ang ilang linggo

Liham

Lumipas ang ilang linggo

Liham

LihatTutupKomentar