Magpapakalakasan ng mga binti: Pampataba Ng Legs na nagbibigay sama ng loob!

Magpapakalakasan ng mga binti: Pampataba Ng Legs na nagbibigay sama ng loob!

Marami ang pursigido sa pagpapapayat, ginagawa ang mga dapat gawin gaya ng tamang diet, exercise at pagpapapawis. Ngunit bakit kahit malaki naman ang effort na ibinibigay para pumayat ay parang wala pa ring nangyayari. Naiiwan pa rin sa katawan ang taba na hindi mawala-wala.

May mga dahilan kung bakit nananatili pa ring mataba ang isang tao sa kabila ng puspusang pagpapapayat. Ang akala kasing tamang ginagawa ay mali pala. Narito ang mga dahilan kung bakit hirap pumayat ang mga nagpapapayat:

PampapayatMagpapakalakasan Ng Mga Binti Pampataba Ng Legs Na Nagbibigay Sama Ng Loob />

1. Maling Pagda-diet. Ang alam ng marami, kapag sinabing diet ay dapat binabawasan o nililimitahan ang dami ng pagkaing inilalagay sa tiyan. Ngunit sa katotohanan, ang pagdidiet ay hindi nakabase sa dami ng pagkain kundi sa uri ng pagkaing kinakain. Masasabi lamang na tama ang pagda-diet kung ang pinipiling kainin ay masustansya dahil nakabase sa “healthy food choices” ang  tamang diet.

Mga Epektibong Mga Paraan Kung Paano Magpapayat

Kaya para maging successful sa pagpapapayat, baguhin ang maling paniniwala tungkol sa diet. Pag-aralang kumain ng tunay na pagkaing may sustansya na kinabibilangan ng mga natural na pagkain at hindi yaong mga pagkaing instant, proseso at mga nasa lata.

2. Pwersadong pagbabawas ng timbang. Ang pagpapapayat ay hindi magiging matagumpay kung ang pagsasagawa nito ay pwersahan at paspasan. Halimbawa, bigla na lang isang araw ay nangako na  hindi na iinom ng softdrinks, kakain ng sweets at magpapapak ng chips. Hindi na rin kakain ng fast foods at susundin na rin ang tamang diet plan. Araw-araw nang mag-eexercise at hindi titigilan hanggang sa maubusan ng lakas. Wala namang masama rito dahil tama na baguhin at palitan ang mga maling pagkain na nakasanayan. Tama rin na araw-araw magpapawis. Subalit hindi sinasabi na gawin ito nang biglaan. Mahirap itong baguhin agad-agad lalo na kung sa loob ng napakahabang panahon ay ganito ang naging habits. Parang parusa  sa sarili ang ganitong biglaang pamamaraan at baka sumuko lang sa pagpapapayat kalaunan.

Ang dapat gawin ay huwag biglain ang pagbabago ng mga bad habits. “Take one small step at a time”. Ang mga nakasanayang pagkain na nakakataba ay dahan-dahang palitan ng mga prutas at gulay. Huwag tangkain na ubusin lahat ng lakas sa pag-eexercise sa pag-aakalang ito ang paraan para madaling matunaw ang mga taba. Ang sikreto sa epektib na pagpapapayat ay utay-utay na pagpapalit ng bad habits at dapat ay gawin ito nang tuluy-tuloy.

Pamumulikat, Bakit Nararanasan?

3.  Kulang sa strengthening/resistance exercises.  Ang strengthening exercises o resistance training ay mahalaga upang ang mga muscles ay lumakas at lumaki. Kailangang makasigurado na ang muscles ay nasa tamang kundisyon dahil ang mga muscles ang daan para maburn ang fats. Posible na sa halip na taba ang mawala ay muscle ang lumiit kung mali ang diet at mali ang paraan ng pagpapawis. Kaya napakahalaga na palakasin ang  muscles para agad mabawasan ang taba.

Sa pamamagitan ng strengthening exercises tulad ng push-ups, squats, and lunges ay mapapalakas ang mga kalamnan. Kasabay nito ang balanseng diet at pagkain ng mga pagkaing mayaman sa protina (lean red meat, eggs, chicken, beans), fruit and vegetable, complex carbohydrates at healthy fats (salmon, mackerel) na nagbibigay tulong sa pagpapalaki ng muscles.

4. Nasosobrahan sa workout. Ang walking, running, bike riding, swimming, dancing at aerobics ay ilan lamang sa mga importanteng cardio workouts/exercise na ginagawa ng mga gustong pumayat. Ito ay mahalaga dahil sa bukod sa nakapagpapapawis ang mga activities na ito ay pinagaganda rin ang daloy ng dugo at pinasisigla ang heart at lungs.

Mga Paraan At Lunas Kung Paano Maiwasan Ang Pananakit Ng Binti

Subalit kung ang pagsasagawa ng cardio exercises ay sobrang mahirap at labis sa oras, posible na sa halip na magbawas ng taba ang katawan ay magreserba pa ng fats. Kapag sobra ang cardio exercise na ginagawa, sinisigurado ng katawan na may sapat syang energy na magagamit. Kaya nagrereserba ng taba ang katawan, at posible na ang mga muscles ang mabawasan. Bukod pa rito, tumataas ang appetite kapag sobrang napapagod kaya mas ganado sa pagkain at mas malapit sa pagmemeryenda at overeating.

Asar

Moderate o katamtamang pagpapawis lamang ang tama para sa magandang epekto ng cardio exercises sa katawan. Kapag hindi ka na halos makapagsalita habang nag-woworkout, ibig sabihin ay masyadong mahirap na ang iyong ginagawa at ito ay hindi na tama. Ang 30 minutes na moderate intensity workouts ang kailangan para ma-burn ang mga fats. Mas mabuti kung gagawin ito araw-araw.

5. Hindi pa natatagpuan ang hiyang na workout. Kung bakit hindi  pa rin pumapayat kahit ginagawa naman ang ginagawa ng karamihan at sinusunod naman lahat ng nababasa, napapanood o naririnig  para pumayat, marahil ay dahil hindi bagay sa iyo ang ginagawa mong workout. Trial and error din kung minsan ang paghanap sa saktong hihiyang na workout para sa iyo lalo na kung ikaw lamang ang gumagawa nito at walang personal trainor.

Paano Upang

Ang epektibong workout ay hindi nakasalalay sa haba ng oras na itinatagal sa pag-eehersisyo kundi sa intensity o bigat ng ginagawang physical activity. Magtanong sa eksperto upang makasigurado na ang workout na ginagawa mo ay ang kailangan at babagay sa iyong katawan.

6.  Ginugutom ang sarili sa pag-aakalang ito ang tamang paraan ng pagda- diet. Kadalasang ginagawa ng mga nagpapapayat ang gutumin ang sarili at hindi kumakain ng nararapat. Hindi alam ng marami na ang masyadong pag-focus sa pagda-diet ay hindi nakatutulong bagkus posible pang mas lalong tumaba kalaunan.

Mga

Sa halip na magfocus sa pagda-diet ay gawing pangunahing goal ang mabigyan ng tamang nutrisyon ang katawan. Ibig sabihin dapat kumain ng sapat na calories na kailangan ng iyong katawan sa isang araw. Magtanong sa doktor o nutritionist upang malaman ito. Kapag napanatiling healthy at masaya ang sarili ay hindi malabong kusang  makamit ng natural ang pagiging fit.

Kakaibang Paraan Ng Paglalakad Ng Mga Bata

7. Hindi nabibigyan ng pagkakataon ang katawan para maka-recover. Ang rest o pahinga mula sa matinding workout ay mahalaga dahil ito ang pagkakataon para manumbalik ang lakas ng katawan mula sa pinagdaanang matinding pagod. Sinasabi na ang panahon ng pahinga o recovery ay higit na importante dahil dito nagaganap ang mas maraming pagtunaw ng mga taba.

Halimbawa ng pagrecover ay paggawa ng workout routine na kung saan kapag sa araw na ito ay whole body workout ang iyong ginawa, sa susunod na araw ay dapat light cardio, stretching o pwede ring complete rest ang gawin. Ang tamang pahinga ay kailangang kasama sa routine dahil ito ay para maihanda uli ang katawan sa paggawa ng mahirap na workout kinabukasan. Mahalaga na i-push ang sarili ngunit importante rin na may hustong oras ng pamamahinga.

8. Masyadong stress. Isang napakahalagang bagay na dapat isaalang-alang kung nais  maging matagumpay sa pagbabawas ng timbang ay ang pagkakaroon ng panatag na   isipan. Laging tandaan na importanteng mapanatili rin ang malusog na isip at damdamin kasabay ng pagpapaunlad ng pisikal na kalusugan.

Kung

Laban Para Sa Kalikasan

Para maiwasan ang stress, ang pag-aalaala at pag iisip ng mga negatibong bagay ay dapat kalimutan. Panatilihing masayahin ang kalooban at pasalamatan ang mga biyayang natatanggap araw-araw. Mag-practice ng deep breathing exercise, pwede ring mag-meditate o makinig sa kaaya-ayang musika. Ang pakikipag-usap sa kapwa at pagbabahagi ng iyong istorya sa isang kapamilya, kaibigan, o kakilala ay  makagagaan din ng dalahin kung sakali na may bumabagabag sa iyong damdamin.

9. May sakit o karamdaman na nagiging sanhi ng katabaan. May mga kaso na hirap magbawas ng timbang ang isang tao dahil sa medikal na kundisyon. Kung minsan hindi ito malalaman hangga’t hindi nagpapatingin sa isang espesyalista.

Kung sa iyong palagay ay ginawa mo na ang lahat ng paraan para pumayat ngunit wala pa ring nagiging magandang resulta, makabubuti na alamin kung may problemang medikal na pumipigil sa iyong pagpapapayat. Ito na ang tamang panahon para magtanong at komunsulta sa doktor.

Pagpapalakas Sa Karapatan At Benepisyo Ng Mga Agricultural Worker Sa Bansa, Inihain Sa Kamara

LihatTutupKomentar