Makibaka Para sa Kalikasan: Alagaan Ang Mundo Natin

Makibaka Para sa Kalikasan: Alagaan Ang Mundo Natin

Ang higit na nakahihindik ay pinasalang ihahatid ng mga trahedya sa mga tao at batay sa pagtaya, mas maraming buhay ang masasawi sa mga kalamidad kumpara sa nakitil sa dalawang digmaang pandaigdig.

Sa kanyang talumpati sa mga mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU), sinabi ni dating Punong Mahistrado Reynato Puno na ang pinakamalaking pakikibakang hinaharap ng sangkatauhan ay hindi ang mga digmaan, sa halip ay ang pangangalaga sa kalikasan.

MatangAlagaan Ang Mundo Natin />

“Ako ay naniniwala na ang pinakamahalagang pakikibaka natin ngayon ay ang pakikibaka upang proteksiyunan ang kalikasam, ” ani Puno sa kanyanhg talumpati sa ikalawang taong pagkakatatag ng BulSU Biak-na-Bato Rainforestation program noong Martes, Marso 27.

High School Syllabi

Ipinaliwanag niya na ang kalaikasan ay dapat pangalagaan sapagkat maarami ang maaapektuhan ng pagpapabaya dito, katulad ng karapatan ng tao na mabuhay, karapatan na makainom ng malinis na tubig at makalanghap ng malinis na hangin.

“Ang pakikibaka na ito ay siyang may pinakamalawak na larangan ng pagtutunggali sapagkat lahat ng bansa sa mundo ay hindi makakaiwas dito, ” sabi ni Puno.

Iginiit pa niya na kung hindi kikilos ang bansa at mamamayan, mas marami sa mga buhay na nakitil sa dalawang digmaang pandaigdig ang masasawi sa mga kalamidad na dulot ng hagupit ng kalikasan.

Environment Watch: Makibaka Para Sa Proteksyon Sa Kalikasan, Ani Ng Dating Punong Mahistrado

Para kay puno, ang pagpapahiwatig ng posibilidad ng poinsalang ito sa buhay ng tao ay hindi pananakot, sa halip ay isang pagtawag pansin sa mga namumuno dahil sa nakahihindik na kalagayan ng kapalaigiran at kalikasan, partikular na sa Pilipinas.,

“The country’s forests are habitat for more than 6, 000 plant species and numerous bird and animal species, including the endangered Philippine Eagle and the Visayan warty pig. Forests also serve as home to some 12-Million indigenous peoples. However, despite, or perhaps because of the richness and importance to people, forests face continuing destruction, ” ani Puno.

Idinagdag pa niya na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang mabilis ang pagkaubos ng kagubatan, at ito ay pang-apat sa 10 pangunahing bansa na may threatened forest hotspots.

Makibaka Para Sa Pambansang Demokrasya Ikatlong Ed

“If deforestation rate of 157, 400 hectares per year continues, the country’s remaining forest cover will be wiped out in 40 years, ” he aniya at binigyang diin na ang sukat ng kagubatang nakakalbo sa bansa bawat taon at dalawang beses ang laki kumpara sa lupain ng kalakhang Maynila.

MGA

Bilang isang environment advocate, ipinaliwanag niya na ang pag-abuso sa kalikasan ay magbubunga ng kalamidad at trahedya katulad ng naganap sa Lungsod ng Ormoc noong Nobyembre 5, 1991 kung saan halos 8, 000 katao ang nasawi; at sa mga lungsod ng Cagayan De Oro at Iligan nitong nakaraang Disyembre na kumitil sa daan daang katao.

Hinikayat niya ang bawat isa na makilahok sa pakikibaka sa pagbibigay proteksyon sa kaliksan at sinambit ang minsay sinabi ni dating Pangulong Abrahan Lincoln ng Estados Unidos na nagsabing, “you cannot escape the responsibility of tomorrow by evading it today.”

Esp 10 Ikatlong Markahan Modyul 5

Nanawagan din siya sa bawat isa na maging bayani para sa kalikasan at sinabing “let us remember that nothing heroic is accomplished by those who give up.”

Inihalimbawa niya ang pagpapasara sa isang planta sa bayan ng Guiguinto na lumabag sa mga batas pangkalikasan at utos ng kapitolyo at Environmental Management Bureau in Central Luzon.

ENVIRONMENT

Binanggit din niya na kasalukuyang isinusulong sa Kongreso ng kanyang maybahay na si Kint. Marivic Alvarado ang National Dam Safety Law (Dino Balabo)Sa ating henerasyon ngayon ay maraming mga kalamidad ang nangyari. Ito ay epekto ng ating mga kapabayaan sa ating kalikasan. Ang mga hindi dapat o ang mga ipinagbabawal na gawain ay ating gingawa. Katulad ng pagtapon ng mga basura kung saan saan. Pagputol ng mga puno sa mga kabundukan, pagmimina, pagkakaingin at iba pang mga illegal na gawain sa kalikasan.

Mga Paraan Paano Pangalagaan Ang Kalikasan: Mga Paraan Paano Pangalagaan Ang Kalikasan

Kaya dapat natin gawan ng paraan upang hindi na ipagpatuloy ang mga ginagawa natin sa ating kalikasan. Ano-ano ba ang dapat nating gawin?

1. Itapon natin ng maayos ang ating mga basura sa tamang lalagyan. Segregate ng maayos ang mga Nabubulok, Di-nabubulok, mga plastik at recyclable materials sa mga lalagyan nito. Huwag itapon ang mga basura sa mga ilog, kanal, sapa at iba pang mga yamang tubig na karaniwang sanhi ng pagbaha.

2. Iwasan ang pagputol ng mga puno, sa kagubatan upang maiwasan ang pagguho ng lupa soil erosion at biglaang pagbaha dahil wala ng sisipsip sa mga tubig tuwing umuulan. At dahil sa mga puno ay may nalalanghap tayong preskong hangin upang tayo ay mabuhay.

-

Dyaryo Sierra Madre

3. Ang pagbawas ng mga sasakyang naglalabas ng itim na usok. Ito ay nagiging sanhi ng Air pollution sa ating bansa. Ang ating malinis na hanging nalalanghap ay napapalitan ng maruming hangin.

4. Pigilan ang pang-aabuso sa lupa, deforestation, walang habas na pagkuha ng mga likas na yaman at panghuli ng mga hayop upang ibinta.

5. Ang dynamite fishing, cyanide fishing at muro-moro system na ginagamit ng mga mangingisda ay dapat ng pigilan. Dahil sa mga gawaing ito ay marami na ang mga nasisira at namamatay na mga likas na yamang tubig.

Kalikasan:dapat Ingatan At Alagaan

Ang pang aabuso natin sa kalikasan ay tayo rin ang naapektuhan at naghihirap sa tuwing may kalamidad na dumadating. Maraming pwedeng gawin para hindi ito mangyari sa ating lahat. Kung sinusunod lang sana natin ang mga batas ay magandang buahay ang ating mararanasan. Wala sanang mga pollution at kalamidad na dumadating sa ating mundo. Kaya lahat tayo ay dapat na magtulungan. Lahat ng ating pagsisikap ay magkakaroon ng katuturan.

-

Kaya habang hindi pa huli ay dapat na nating pigilan ang mga gawaing illegal sa ating kalikasan, puksain ang mga ito. Huwag hayaang magpatuloy pa ito. Na sa huli ang pagsisi natin dahil hindi natin napigilan ito.

LihatTutupKomentar