Sa modernong panahon ngayon na bukas ang isip ng mga tao sa halos lahat na mga bagay, ang pre-marital sex o pagtatalik bago ang kasal ay isang laganap na kaugalian. Ang mga kabataan ay lubhang mapupusok at curious sa kung ano ang pakiramdam ng pagkakaroon ng sekswal na relaston na labas sa pagaasawa. Dahil sa ganitong mga kaugalian at kakulangan ng wastong kaalaman, taon-taon ay dumadami ang mga kaso ng hindi ginustong . At dahil sa ito ay pangkaraniwang problema ng mga kabataan sa ngayon na sa karaniwang pagkakataon ay hindi pa handa sa pagsasabalikat ng mga pananagutan bilang isang magulang, ang hindi ginustong ay kadalasang nauuwi sa abortion.
Sa simpleng pananalita, ang aborsyon ay ang sinadyang pagpatay sa sanggol na nasa sinapupunan ng ina. Ito ay isang kontrobersyal na hindi lamang sa batas na umiiral sa lipunan kundi pati na rin sa larangan ng medisina dahil sa mga panganib na dala ng hindi ligtas na aborsiyon.
Sinapupunan />
May mga bansa na legal ang aborsyon o paglaglag ng bata. Ito ay isinasagawa sa mga ospital o abortion clinic para tiyaking ligtas sa anumang panganib ang mga ina na sumasailalim dito. Ang aborsyon sa mga bansa na legal ang pagsasawa nito ay irinerekomenda ng mga doktor sa mga ina na maaaring maisapanganib ang kalusugan kung itutuloy pa ang .
Sabi Ko Sayo Tol Tara Na Draft
Sa Pilipinas, ang aborsiyon o sadyang pagpatay ng bata sa sinapupunan ng ina ay iligal at may karampatang parusa na katumbas ng pagpatay sa isang tao o murder. May moral na mga isyu din na kasangkot sa paglaglag ng bata kaya ang aborsiyon ay mariing tinututulan ng mga tao sa kahit anong estado ng buhay at ng simbahan. Ang aborsiyon ay hindi katanggap-tanggap sa mga bansang Kristyano, tulad ng Pilipinas.
Para sa ilan, ang aborsyon o pagpapalaglag sa sanggol sa sinapupunan ay isang pagipilian para solusyon ang mga problemang dala ng hindi ginustong . Pero tandaan, ang disisyong sumailalim sa aborsyon ay may dalang pangmatagalang hindi magandang mga resulta sa isa na sasailalim dito at sa kanyang magiging buhay bilang may asawa.
Pagkakaroon ng kanser. Bagaman hindi pa naman tapos ang mga pag-aaral kaugnay nito, nakita ng mga dalubhasa na may kinalaman ang aborsyon sa pagkakaroon ng kanser sa suso ng isang babae na sumailalim sa prosesong ito.
Alamin Ang Early Signs Ng Miscarriage
Kinumpirma ng napakaraming mga pag-aaral na ang panganganak at pagpapasuso sa sanggol ay isang mabisang pananggalang laban sa breast cancer. Ibig sabihin, ang mga babaeng sumailalim sa alinmang proseso ng aborsyon ay napagkakaitan ng proteksyong ito.
Pagkabaog. Maaaring maging napakahirap na o imposible pa nga para sa isa na mabuntis kung ang aborsyon ay magkaroon ng malalang kumplikasyon dahil sa aborsyon. Halimbawa, kung ang isang babae ay nagkaroon ng ectopic pregnancy at walang pakundangang binigyan ng gamot pampalaglag, maaari itong maging dahilan ng malalang mga komplikasyon sa kanyang mga obaryo.
Karagdagan pa, ang peklat at mga pinsala sa matris na dala ng aborsyon ay maaaring maging dahilan ng napakahirap na sa susunod na pagkakataong siya ay magdadalang tao. Maaari rin itong maging sanhi ng kamatayan sa isang nagdadalang tao na dati ay sumailalim sa aborsyon.
Akademikong Pagsulat Sa Filipino
Kamatayan. May mga babaing namamatay dahil sa aborsyon. Ang pinakamalaking sanhi ng kamatayan dahil sa aborsyon ay bunga ng impeksyon na dala ng hindi kumpletong aborsyon. Gayunman, malaki rin ang posibilidad na ang mga kababaihan na sumailalim sa aborsyon ay mamatay dahil sa pagpapakamatay. Sa isang pag-aaral na isinagawa sa bansang Finland, nakita ng mga siyentista na tatlo sa anim na mga babaeng namatay dahil sa aborsyon ay aktwal na namatay dahil sa suicide.
Ang sumusunod ay ang 15 na pangunahing epekto ng aborsyon. Bagaman hindi naman ito sabay sabay na mangyayari sa isang indibidwal, pero ang isang babae na sumailalim sa aborsyon ay tiyak na makakaranas ng ilan sa mga ito pagkatapos ng aborsyon.
Mahalagang pag-usapan ng mga magpartner ang isyung ito. May mga pagkakataon na nalilito ang babae kaya naman kailangang mapakinggan din niya ang opinion ng kanyang asawa. Tandaan, ang buhay ay nagsisimula sa mismong sandal na manyari ang pertilisasyon. Ang anumang pagtatangka na ilaglag ang fetus ay katumbas rin ng pagpatay sa bagong silang na sanggol o isang adulto.
Buntisko ᐅ Mga Paraan Kung Paano Mapipigilan Ang Pagbubuntis
Para tulungan kang makapag-isip ng maaayos, narito ang 15 na masasamang epekto ng aborsyon na maaari mong maiwasan kung magdidisisyon ka lamang ng tama!
Hindi agad maibabalik sa normal ang buhay ng isang babaeng sumailalim sa anumang proseso ng aborsyon. Ang pagpapa-abort ay parang isang major operation. Maaapektuhan nito ang katawan ng isang babae sa napakaraming paraan kaya kailangan niya ang mahaba-habang panahon para gumaling. Ibig sabihin nito, hindi ka maaaring magtrabaho ng ilang lingo, o buwan pa nga.

Ang haba ng panahon ng pag-bed rest ay depende na rin sa kalusugan ng babaeng magpapalaglag, at kung anong klaseng proseso ang kanyang susuungin.
Mga Ehersisyo Na Pampalaglag Na Dapat Iwasan Ng Buntis
Sa normal na mga kalagayan, ang pagpapahinga pagkatapos ng pagpapalaglag ay hindi naman kailangang umabot ng ilang buwan. Pero hindi maswerte ang ilang babae pagdating sa bagay na ito. Ang iba ay nagkakaroon ng seryosong mga komplikasyon kaya kailangan silang i-confine sa ospital sa loob ng ilang lingo bago sila makabalik sa normal nilang pamumuhay.
Ang mga babaeng sumailalim sa aborsyon ay pinagbabawalang mag ehersisyo at magbuhat ng mabibigat. Hindi rin pwedeng makipagtalik, ang anumang bagay na ipapasok sa ari ay maaaring maging sanhi ng impeksyon at pamamaga.
Ang pagdurugo ay talagang kaakibat na paglaglag ng sanggol sa sinapupunan. Kasama sa prosesong ito ang pagtanggal ng placenta o inunan sa bahay bata. Kaya, karamihan sa dugo na nasa mga organong ito ay nasasayang sa proseso ng aborsyon. Pagkatapos niyan, kailangang gumaling ang bahay bata, ngunit hindi ito madali. Kung minsan ang pagdurugo ay tumatagal at nagiging mas matindi kumpara sa inaasahan.
Filipino Reader (akademik) V.1
Maraming mga babae na naniniwala na ang pagdurugo dahil sa aborsyon ay tulad lamang ng regla. Para sa kanila, ang pagdurugo ay titigil din at mawawala lamang pagdaan ng ilang araw. Hindi ito totoo! Ang pagdurugo na sanhi ng paglaglag sa bata ay mas matindi, dahil sa ito ay pwersahang proseso.
Hindi rin ito ang unang regla kasi hindi pa naman talaga nakaka-adjust ang mga hormones mon a siyang dahilan ng normal na regla. Kung ang matinding pagdurugo ay hindi tumigil, dapat ka nang kumunsulta sa doktor para makita ang antas ng iron sa katawan mo at makaiwas sa anemia.

Dito sa Pilipinas na ipinagbabawal ang aborsyon, hindi natin matitiyak kung ang mga aborsyonista ay talagang dalubhasa sa kanilang ginagawa. Kadalasan, ang mga nagsasagawa nito ay natuto lamang dahil sa panonood at pag-oobserba sa mga dati nang marunong nito. Kaya wala naman talaga silang sapat na pagsasanay at lisensya.
Bunternity ᐅ Maternity Website Philippines
May mga pagkakataon na hindi lubusang naaalis lahat ang fetus sa matris. Ito ay ang pinagmumulan na matinding pagdurugo at impeksyon na kung hindi agarang malalapatan ng medical na atensyon ay maaaring ikamatay.
Ang mga kababaihan na sumailalim sa pagpapalaglag ay may mas mataas na posibilidad na magkaroon ng ilang particular na uri ng kanser. Unang una, ang posibilidad na magkaroon ng breast cancer ang isang babaing nagpa-abort ay mas mataas ng 2.3 ulit. Mas tataas ang pagtayang ito kung ang indibidwal ay ilang ulit nang nagpalaglag. Ang ibang mga kanser katulad ng ovarian at liver cancer ay mas posible ring tumama sa mga ilang ulit nang nagpalaglag. Kaya kung nag-iisip kang ipalaglag ang sanggol sa sinapupunan mo, pag-isipan mo rin kung kaya mong magka-kanser!
May ilang mga pag-aaral na nagpapakita na ang pinaka-posibleng dahilan nito ay dahil sa hormones. Pinaniniwalaaan ng mga dalubhasa na ang biglaang pagbabago sa antas ng mga hormones ay maaaring sumira sa mahahalagang mga proseso ng katawan. Ang mga cancer cells ay maaaring ma-develop sa mga organs dahil dito.
Fitwise Armadale Has Moved To Beyond Windsor
Tandaan:Maaari kang tubuan nang kanser kahit saan sa katawan mo, kung magpapalaglag ka, o kung iinom ka ng gamot pampalaglag! 12. Pagkabutas ng matris
Habang isinasagawa ang aborsyon, ang matris ay pinapasok ng iba’t ibang mga kasangkapang panlaglag sa fetus. Ang mga gamit na ito ay maaaring makasira sa mga ugat na daanan ng dugo na siyang dahilan ng pagkabutas ng matris.

Sabihin pang pwede kang makaligtas sa pagdurugong ito, pero nawalan ka na ng napakaraming dugo. Ito ay ang tinatawag na anemia, kakulangan ng dugo, kawalan nang lakas, paghina ng sistemang panunaw.
Asthma And Pregnancy
Maaapektuhan din nito ang paggana ng utak, dahil sa kailangan nito ang sapat na suplay ng oxygen sa bawat sandali ng buhay.
Ang butas sa matris ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng kakayahang magbuntis sa susunod na pagkakataon, kahit pa gustuhin niya pa ito!
Ang pinsala sa matris ay isa pa sa pangunahing pangmatagalang mga kumplikasyon na kasunod ng pagpapalaglag o pag-inom ng gamot pampalaglag. Sa normal na mga kalagayan, ang cervix ay matigas at mahigpit ang pagkakasara. Para maisagawa ang aborsyon, ang cervix ay dapat na banatin hanggang sa bumuka sa loob ng kaunting panahon. Habang ito ay nakabuka, palaging nagkakaroon ng punit sa mga kalamnan sa cervix. Kung minsan, ang maliliit na mga punit na ito ay napapabayaan at siyang nagiging dahilan ng malulubhang karamdaman sa reproductive system pagdating ng panahon.
Mga Pagsasanay Para Sa Acute Low Back Pain (lumbago)
Ang ilan sa mga sugat sa cervix ay nangangailangang tahini at maaaring maging sanhi ng patuluyang pagdurugo. Mahihirapan ka na ring manganganak kapag nagkaroon ka ng punit sa cervical muscles.
Ang placenta previa ay isang medikal na kondisyon kung saan natatakpan ng bahagya
