Tungkol sa araw ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus ang artikulo na ito. Para sa araw ng paggunita ng muling pagkabuhay ni Hesus, tingnan ang Pasko ng pagkabuhay.
Ang Pasko (Ingles: Christmas, na may tuwirang salin na Misa ni Kristo; Yule, at Yuletide) ay isang araw ng pangilin sa kalendaryong Kristiyano, na kadalasan ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25 at sa ilang mga denominasyong Kristiyano ay tuwing Enero 6 na orihinal na araw ng pasko sa Silangang Kristiyanismo. Sa araw na ito ipinagdiriwang ng karamihang Kristiyano ang araw ng kapanganakan ni Hesus. Ang ilang mga denominasyong Kristiyano gaya ng mga Saksi ni Jehova at Iglesia ni Cristo ay hindi nagdiriwang ng pasko.
Masayang Kapistahan Sa Iyong Kaarawan />
Sa mga Kristiyanong bansa, ang Pasko ay isa sa pinakamalaking araw ng pagdiriwang kung ang usapang pang-ekonomiya ang paguusapan. Nakilala ang pasko bilang araw ng pagpapalitan ng regalo o handog sa mga kasambahay, at mga sorpresa mula kay Santa Claus, pangangaroling, pagdedekorasyon at iba pa. Ang lokal at pangrehiyon na tradisyon patungkol sa Pasko ay karaniwang nagkakaibaiba, sa kabila ng impluwensiya ng mga Amerikano at Ingles na motifs.
A Thought A Day
Ang wikang Ingles ang salitang Christmas ay pinaikling Christ's Mass o may tuwirang salin na Misa ni Kristo. Hango ang mga ito sa lumang Ingles na Cristes mæsse na tumutukoy sa relihiyoso at sagradong seremonya ng misa. Ito ay kadalasan na dinadaglat o pinapaiksa sa pormang Xmas, dahil ang X o Xt ay kadalasan na tumutukoy kay Kristo Ang mga titik na X as Alpabetong Ingles at Filipino, ay kahalintulad ng titik X (chi) sa Alpabetong Griyego. Ito ang unang titik ng salitang Christ sa Griyegong salin na Χριστός, na may tuwirang salin na Christos. Ang salitang Crimbo naman, ay isang impormal na kasingkahulugan nito sa Ingles. Ang salitang Xmas ay binibigkas bilang Christmas, gayumpaman, may ilan na gumagamit ng bigkas na X-mas o (eksmas) exmas.
Ang araw ng Pasko ay ipinagdiriwang bilang isang malaking pista at pampublikong holiday (pangingilin) sa maraming bansa sa buong mundo. Ang mga paraan ng pagdiriwang ng pasko sa iba't ibang panig ng mundo ay iba iba na sumasalamin sa mga iba't ibang tradisyong pambansa at pangkultura.
Kabilang sa mga bansang ang Pasko ay hindi isang pampublikong holiday ang Afghanistan, Algeria, Azerbaijan, Bahrain, Bhutan, Cambodia, Tsina (maliban sa Hong Kong at Macao), Comoros, Iran, Israel, Japan, Kuwait, Laos, Libya, Maldives, Mauritania, Mongolia, Morocco, North Korea, Oman, Pakistan, Qatar, Sahrawi Arab Democratic Republic, Saudi Arabia, Somalia, Tajikistan, Thailand, Tunisia, Turkey, Turkmenistan, United Arab Emirates, Uzbekistan, Vietnam, at Yemen.
Sa Aking Kaarawan
Ang kuwento ng kapanganakan ni Hesus ay matatagpuan lamang sa dalawang ebanghelyo na Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Mateo. Gayunpaman, ang parehong Lucas at Mateo ay may salungatan tungkol sa kapanganakan ni Hesus. Sa Mateo, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Bethlehem at si Maria ay nanganak kay Hesus sa kanilang bahay sa Bethlehem kung saan sila ay dinalaw ng mga mago(Mateo 2:1-7) at pagkatapos ay kinailangang nilang tumakas sa Ehipto dahil sa banta ni Dakilang Herodes ni patayin ang sanggol na si Hesus(Mateo 2:13). Pagkatapos mamatay ni Dakilang Herodes noong ca. 4 BCE, ang ama ni Hesus na si Jose ng Nazareth ay naglayong bumalik sa kanilang tirahan sa Bethlehem sa Judea ngunit binalaan sa isang panaginip na huwag ditong pumunta at sa halip ay tumungo sa Galilea sa Nazareth dahil si Herodes Arquelao ay namumuno sa Judea at ito ay upang matupad ang isang hula na si Hesus ay tatawaging isang Nazareno (Mateo 2:21-23). Salungat sa Mateo, sa Lucas 2:4-6, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Nazareth sa Galilea at tumungo sa Bethlehem dahil sa Censo ni Quirinio(ca. 6 CE) dahil siya ay mula sa angkan ni David (Lucas 1:27; 2:4) at sa Bethlehem ay ipinanganak si Hesus sa isang sabsaban dahil wala silang mahanap na kuwarto na mapapanganakan ni Hesus. Pagkatapos dalhin nina Jose at Maria ang sanggol na Hesus sa Ikalawang Templo sa Herusalem para sa ritwal ng puripikasyon, sila ay bumalik sa kanilang tirahan sa Nazareth sa Galilea(Lucas 2:39). Ayon sa Ebanghelyo ni Juan 7:41-42, naniwala ang mga Hudyo na si Hesus ay hindi nagmula sa Bethlehem kundi sa Galilea at walang propeta na manggagaling sa Galilea(Juan 7:52)
Ayon sa Lucas, isinugo ng diyos ang anghel na si Gabriel sa isang birhen na si Maria sa Nazareth, Galilea na nagsasabi na siya ay maglilihi at manganganak ng isang lalake na tatawaging Hesus. Nang tanungin ni Maria kung paano ito mangyayari gayong isa siyang birhen, sinabi ng anghel na siya ay liliman ng banal na espirito. Nang manganganak na si Maria, siya at si Jose ay naglakbay mula sa Nazareth, Galilea sa tahanang pang-ninuno ni Jose na Bethlehem upang magpatala sa censo ni Quirinio. Nanganak si Maria kay Hesus at dahil wala nang lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan ay inilagay ang sanggol sa sabsaban. Dinalaw ng anghel ang mga pastol na nagdadala ng mabuting balita ng malaking kagalakan na sa siyudad ni David sa Bethlehem ay ipinanganak ang mesiyas ang tagapaglitas. Ang mga pastol ay tumungo sa sabsaban sa Bethlehem kung saan nila natagpuan si Hesus kasama nina Jose at Maria. Pagkatapos nito ay tumungo sina Maria at Jose kasama si Hesus sa Herusalem upang isagawa ang ritwal ng pagdadalisay ayon sa batas ni Moises at pagkatapos na isagawa ang kautusan ni Moises ay umuwi na sila sa kanilang bayan na Nazereth, Galilea.
Ayon sa Mateo, si Maria ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang isang anghel ay nagpakita kay Jose sa isang panaginip. Sinabi ng anghel na huwag mangamba si Jose na tanggapin si Maria na kanyang asawa dahil ang dinadala ni Marya sa kaniyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu. Siya ay manganganak ng isang lalaki na papangalanan niyang Hesus. Ayon sa may akda ng Mateo, ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng propeta na ang isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin. (Mat. 1:23) Ito ay pinapakahulugan ng mga skolar na isang reperensiya sa Aklat ni Isaias 7:14 ng saling Griyegong Septuagint. Sa ilang mga ikalima at ikaanim na siglo CE mga manuskrito ng Ebanghelyo ni Mateo sa Mat. 1:23 ay mababasa ang Isaias ang propeta.
Filipino 2 (kwarter 2)
Ang Isa. 7:14 na Septuagint ay nagsalin ng salitang Hebreo na עלמה (almah o isang dalaga) sa salitang Griyego na parthenos (birhen) at pinaniniwalaan ng mga iskolar na ang Septuagint ang pinaghanguan ng Mateo upang suportahan ang pananaw ng kapanganakang birhen ni Hesus. Ang mga iskolar ay umaayon na ang almah ay walang kinalaman sa isang birhen. Ang Isa. 7:14 ayon sa mga iskolar ay hula sa haring Ahaz na ang isang dalaga ay manganganak ng Immanuel at ang mga kaaway ni Ahaz ay wawasakin bago malaman ng batang ito ang pagkakaiba ng mabuti at masama. Ang may akda ng Mateo ay nag-iba rin ng taong detalye ng Septuagint ng Isa. 7:14: ang paggamit ng hexei kesa sa lēpsetai; ang 'tatawagin mo (isahan)' sa ikaong personang pangmaramihan 'tatawagin nila', at ang ibinigay na interpretasyon ng Emmanuel bilang 'ang diyos ay nasa atin'
Ang mga paliwanag ay iminungkahi sa pinagmulan ng mga salaysay sa Mateo at Lucas ng kapangakang birhen ni Hesus. Ayon kay Stephen L Harris, ang mga ito ay isinulat upang sagutin ang mga paninira ng mga Hudyo tungkol sa hindi lehitimong kapanganakan ni Hesus na may ebidensiya mula sa ika-2 siglo CE.

Ang mga tagasunod ng Psilanthropismo na umiral sa mga sinaunang pangkat Hudyong-Kristiyano gaya ng mga Ebionita ay nangatwiran laban sa kapanganakang birhen ni Hesus at nagsaad na si Hesus ay isang mesiyas ngunit isa lamang tao.
Ap 2 Q2 Week 7.pdf
Noong ika-2 siglo, ang paganong anti-Kristiyanong pilosopong Griyego na si Celsus ay sumulat na ang ama ni Hesus ay isang sundalong Romano na si Panthera.
May mga pagkakasalungat sa parehong ebanghelyo. Ang parehong Mateo at Lucas ay nagbibigay ng magkaibang heneolohiya ni Hesus. Sa Mateo, si Hesus ay binisita ng mga Mago. Sa Lucas, si Hesus ay binisita mga pastol. Ang Ebanghelyo ni Mateo ay nagsasaad na si Hesus ay ipinanganak bago mamatay si Herodes (na namatay noong Marso 4, BCE).

Gayunpaman, ito sinasalungat sa Ebanghelyo ni Lucas na nagsasaad na si Hesus ay ipinanganak sa panahon ng Censo ni Quirinius (Lucas 2:1-7) na ayon sa Hudyong historyan na si Josephus ay naging gobernador ng Syria noong 6–7 CE. Ang talatang ito sa Lucas ay matagal nang itinuturing ng mga skolar ng Bibliya na problematiko dahil inilalagay nito ang kapanganakan ni Hesus sa panahon ng censo noong 6/7 CE samantalang ayon sa Mateo ay ipinanganak si Hesus pagkatapos ng paghahari ni Herodes na namatay noong 4 BCE o mga siyam na taon bago ang censo ni Quirinius.
Praying For A Peaceful New Year 2023
Sa karagdagan, walang mga sangguniang historikal na nagbabanggit ng kinontrol ng Romanong pandaigdigang censo na sumasakop sa buong populasyon. Ang censo ni Augustus ay sumasakop lamang sa mga mamamayang Romano
Dahil sa kamaliang ito sa Lucas, ang mga skolar ay nagbigay konklusyon na ang may akda ng Lucas ay mas umuukol sa paglikha ng simbolikong salaysay kesa sa isang historikal na salaysay,

At walang kamalayan