Higit sa makinis na balat, nakatutulong din na makapagpalakas ng confidence o tiwala sa sarili sa pagharap sa maraming tao ang pagkakaroon ng maputing kulay. Ngunit sa mga taong ipinanganak na galing sa lahing hindi maputi, maraming bagay ang kailangang isaalang alang upang makahanap ng paraan kung paano kuminis at pumuti ang mukha.
Maraming dahilan kung bakit may mga taong maputi at makinis ang balat. Samantalang may ilan na kailangan pang humanap ng paraan kung paano kuminis ang mukha. Ito ay dahil hindi lahat ng balat ay nilikhang magkakatulad.
Mapaganda Ang Iyong Mukha Mga Tips Sa Paggain Ng Timbang Para Sa Mga Nagmamahal Sa Kanilang Sarili />
Isa sa mga pinakaunang dahilan ng pagkakaiba iba ng balat ay ang lahing pinagmulan. Ang genes ang unang susi upang malaman kung anong mga kailangang hanapin na paraan para kuminis ang mukha. Ang kutis na mayroon ang mga magulang ang maaaring katulad ng kutis na mayroon tayo. Kung ang ating mga magulang ay nangailangan ng mas maraming paraan kung paano kuminis at pumuti ang mukha, siguradong ganoon ding proseso ang kailangan nating pagdaanan.
Pampakinis ᐅ Paraan Paano Kuminis At Pumuti Ang Mukha, Kayang Kaya!
Ngunit ayon sa isang eksperto, ang genes ay unang hakbang lang sa pagtukoy ng kalusugan ng balat. Ang pinakamalaking bahagi kung paano kuminis ang mukha ay may kinalaman sa bawat bagay na ginagawa natin sa ating mga balat, ito man ay kapabayaan o pangangalaga.
Ang makinis na balat ang unang susi sa mas maputing tingnan na balat. Gaano man kaputi ang ating balat kung hindi sapat ang kinis nito ay nagiging mukha itong madilim.
Ang pagsisimula ng isang araw sa pagkain ng mga masustansyang pagkain gaya ng mga prutas at gulay ay daan upang magkaroon ng sapat na imbak ng moisture an gating mga balat para sa buong araw na maaaari nitong pagkalantad sa alikabok, init at kung ano ano pa.
Maganda Ako! ᐅ Tips Para Gumanda: Paano Maging Maganda?
Ang tamang oras ng tuloy tuloy na pahinga ay malaking tulong upang muling makapagbuo ng bagong cells ang ating balat ilang pamalit sa napakaraming skin cells na hindi natin namamalayang namamatay sa maghapon nating mga ginagawa sa ating balat kagaya ng paulit ulit na pagkuskos dito o di kaya naman ay pagbibilad.
Ayon din sa isang pag aaral ang pagmemeditate ay napatunayang nagkatoon ng mabuting epekto sa isang taong may psoriasis upang muling mapasigla ang kanyang balat. Ganun din naman ang stress at pressure ay nagiging dahilan ng mabilis na pagtanda at pagkatuyo ng balat. Ugaliing humanap ng oras upang makapag isip at makahinga ng maluwag upang hindi pasanin at makita sa ating balat ang atin mga pinagdaraanan.
Kung gagamit ng mga whitening products o mga gamot at pamahid na pampaputi, bigyan ito ng sapat na panahon upang tumalab sa balat. Iwasan ang pagpapalit palit ng produkto sa loob lamang ng ilang panahon dahil maaaari itong mauwi sa pagkalito ng balat na maaaring humantong sa pagkakaroon ng iba’t ibang marka na higit na makapagpapaitim dito.
Pananakit Na Dulot Ng Orthodontics At Braces
Siguraduhin naman na bago gumamit ng anumang gamot na pampaputi ay kumunsulta muna sa doktor o di kaya naman ay alamin kung ang mga ingredients o sangkap nito ay makabubuti ba at hiyang sa katawan. Tandaan, walang bisa ang anumang paraan kung paano kuminis ang mukha kung hindi naman ito angkop sa iyong balat.
Hindi batayan ang pagiging mamahalin ng isang paraan kung paano kumins ang mukha para masabing epektibo ito. May mga produkto na mura, ngunit mas mabisa. Makatutulong ang pagiging mapanuri, mapagbasa at mapagtanong. Sa ganitong paraan hindi ka lamang nakahanap ng tamang produkto, nasiguro mo pa na ang nabili mo ay hindi masasayang kung kaya’t masasabing ikaw ay nakatipid.
Pinakamatinding kalaban ng balat ay ang Ultra violet ray. Ito ay nagmumula sa araw at pinakamabilis na paraan upang mapaitim at mapatuyo ang balat. Ang matagal na pagkalantad dito ay maaari ring pagmulan ng skin cancer o kanser sa balat.

Formative Test 2nd Grading.docx
Maging maingat sa paglantad sa matinding sikat ng araw lalo na kung ikaw ay kaslukuyang may ginagamit na gamot o pamahid na pampaputi. Kung hindi maiiwasan ang pagbibilad ay mahalagang maglagay ng sapat na dami ng sunscreen lotion na sapat din na sukat ng SPF. Maaaring kumunsulta sa doktor para malaman kung anong sukat ang angkop sa iyong gagawing pagbibilad.
Ang sigarilyo na may taglay na nicotine ay isa rin sa malaking dahilan kung bakit madaling matuyo ang balat kung kaya’t lalo itog nagmumukhang maitim. Gayun din ang alak at ang anumang uri ng mga bisyo ay may di magandang epekto sa balat. Makatutulong na sa halip na magbisyo ay maging abala sa pag eehersisyo. Ito ay isang mabisang paraan ng pagpapapawis kung saan napakakawalan ang moisture.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit mukhang maitim ang balat ay ang mga nakabarang dumi gaya blackheads sa ating mga pores o butas ng balat. Makatutulong ang minsanang pagtapat sa usok ng pinakulong tubig upang mabuksan ang mga butas na ito at maitulak naman ng pawis palabas ang mga dumi.
Walk Online Mobile Review
Ang kakayahan ng gatas na makapagpaputi ng balat at kakayahan ng pipino na makapagpalambot nito ay isa rin sa mga paraan kung paano kuminis at pumuti ang mukha. Maaari itong gawin tuwing gabi bago matulog. Ibabad lamang ng sandali ang hiniwang pipino sa gatas at marahan itong ikuskos sa mukha hanggang sa leeg. Hayaan itong nakababad ng ilang minute bago tuluyang banlawan. Mararamdaman ang parang pagsikip ng balat habang nakababad ito samantalang ang lambot naman ay mananatili na matapos mabanlawan.
Sa mga pekas naman o mga dumi sa balat na hindi nabubura, maaaaring paghaluin ang honey na mabisang panlinis sa balat, lemon na nakapagpapaputi at mabisang mgapagaling ng mga problema sa balat at olive oil na mabisa naman na pampalambot. Ipahid ito sa balat gamit ang bulak at ibabad sa loob ng dalawampung minute bago banlawan. Gawin tio gabi gabi para sa mas malambot, makinis at maputing balat.

Huwag kalimutan, higit sa kakayahan at pagiging epektibo ng mga gamot kung paano kuminis at pumuti ang mukha, ang tiyaga at pananatiling gawin ang mga ito ang totoong susi sa ninanais mong resulta.Ang pagkakaroon ng maputing balat, magandang hugis ng mukha o katawan ay balewala kung baku-bako ang iyong mukha. Kaya kung ikaw ay naghahanap ng paraan kung paano maging makinis ang iyong mukha, naglista kami ng simpleng mga tips na pwede mong sundan para kuminis ang iyong balat.
Tips Para Gumanda
Subukan ang regular na schedule ng paghihilamos sa umaga at gabi. Ang pagpapanatili ng ganitong schedule ay siyang susi para mapanatili mo ang magandang mukha kaya gawin mo ang sumusunod sa umaga at sa gabi.
Maghilamos gamit ang paborito mong facial cleanser. Iwasan ang pagkuskos ng masyadong mariin o ang paggamit ng magaspang na teleng panghilod. Ang pagkuskos sa mukha ay magdudulot lamang ng pangingitim na mas matagal maaalis. Kung gusto mong mag exfoliate, bumili ka na lamang ng cleanser o sabon na exfoliant o maghanap ka ng facial cleansing brush sa botika.
Ang isa pang mabisang paraan kung paano kuminis ang mukha ay ang paggamit ng moisturizer. Ang paggamit ng moisturizer ay makatutulong para mapanatili ang balanse ng tubig sa balat at maiwasan ang sobrang sebo sa mukha. Pumili ka ng moisturizer na babagay sa tipo ng balat mo. Kung ikaw ay may oily skin, gumamit ka ng moisturize na oil free. Kung ang balat mo ay masyadong sensitibo sa tagyawat, bumili ka ng moisturizer na may panglaban sa pimples. Maglagay ng moisturizer sa bawat paghilamos ng mukha, mag ahit o tuwing pakiramdam mo ay tuyo ang balat mo.
Tips Natural Na Paraan Kung Paano Maging Maganda At Makinis Ang Balat
Kung ikaw ay nagtatrabaho maghapon, mahirap gawin ang payong ito lalo na kung ikaw ay pagod na pagod. Pero ang paggawa nito ay isa sa mga sekreto kung paano kikinis ang mukha. Kung pwede, bumili ka ng make up removal oil o cream at haluan ito ng tubig at ilagay sa mukha gamit ang bulak para hindi ma irita ang balat.

Ang pagkakaroon ng malalaking tagyawat ay siyang pangunahing dahilan ng pagbabaku-bako ng balat. Magbasa ng higit pa tungkol sa kung paano mawawala ang pimples.
Kapag masyadong malalaki at namamaga ang mga tagyawat, maghanap ka ng dermatologist na makakatulong saiyo. Totoo, may mga gamot na malalakas ang doses na kayang pagalingin ang pamamaga ng tagyawat mo subalit ito ay hindi ipagbibili saiyo kung walang riseta ng doktor. Kung talagang pinoproblema moa ng malalaking tagyawat, bakit hindi mo subukang kumunsulta sa doktor?
Filipino 10 Las Quarter 3
Subukan mong gumamit ng face mask o pore cleanser bilang pampakinis ng mukha. Ito ay ang tinatawag na exfoliation, hinuhugasan nito ang mukha at inaalis ang dead skin cells sa ibabaw ng balat. Kung gagamit ka ng face masks, limitahan ang paggamit nito ng isang beses bawat linggo. Makakabili ka ng expoliant o face mask sa botika o pwede kang gumawa ng sarili mong face mask sa bahay.
Hindi magandang gawain ang pagpisa o pagtiris ng iyong tagyawat. Nakakatukso kasing tingnan kapag ang blackhead ay nakadungaw na saiyo sa loob ng ilang araw, subalit huwag mong gagawin ang naiisip mo. Ang pag tiris sa tagyawat ay magdudulot lamang ng masamang epekto.
Ang pagpisa ng pimples ay nagdudulot ng pamamaga sa balat. Mas matagal na gumaling ang uka na dahil sa pamamaga ng tagyawat. Kaya kung ako saiyo, magpakatatag ka sa paglaban mo sa pagnanasa mong tirisin ang iyong tagyawat!

Pastor Paano Po Ba Mag Soulwinning Ebook
Ang pimples na pinisa ay nag iiwan ng malalaking uka sa mukha. Ang pagkakaroon ng tagyawat ay panandalian lamang subalit ang uka na dala ng pagtiris sa pimples ay maaaring maging forever.