May mga taong darating sa buhay natin na darating ang panahon ay kailangan nating iwan. Isa na dyan ang ating mga naging BF/GF. Sa panahon ngayon, normal na ang magkaron ka ng maraming BF/GF (pero hindi sabay-sabay) bago ka magsettle down sa mapapangasawa mo. Rare na lang yung mala-fairy tale ang buhay at kung sinong first BF/GF nya eh sya rin yung mapapangasawa nya.
Sa bawat relationship na papasukin mo at iiwan, may breakup na magaganap. Mahalaga ito para sa tinatawag nilang closure. Parang malinaw sa inyo na tapos na kayo at pwede nang lumandi ng iba. Pero kung makikipagbreak ka sa syota mo, may mga advice ako sayo sa mga sasabihin mo at hindi mo dapat sasabihin. Handa ka na ba?
Kanya Ang Pagibig Na Waging Walang Katumbas Banat Para Kay Crush 2023 />
Bago ang lahat, gusto ko lang ipaalam na ang post na ito ang 100th post ko sa blog kong ito! 🙂 Masaya ko at narating ko ang milestone na ito, kahit na hindi masyadong grande. Kung iisipin, marami-rami rin ang 100 posts, and kung once a week ako magpopost, aabutin ng halos 2 years bago ako maka-100 posts. Pero dahil hindi naman ako every week nagpopost (kahit gusto ko), inabot ako ng halos 7 years bago ako umabot dito (April 2007 ang unang post ko sa blog ko). Maraming beses na akong tumigil pero bumanalik pa rin ako at nagpupumilit (inexplain ko dito kung bakit). Salamat sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa ng blog ko. Tuwing may nagsasabi sakin na nagustuhan nila ang isang post ko, nabubuhayan ako ng loob. Para i-celebrate ang 100th post ko, magkukwento naman ako, kasi napansin ko na puro “thoughts” ang mga nakaraang post ko. O siya, simulan na natin.
Totoo Ba Na Ang Bibliya Ay Salita Ng Diyos?
Mahirap pala maiwan sa bahay mag-isa at walang makausap. Dati napakaconfident kong sinasabi na hinding-hindi ako mababagot sa bahay basta’t meron akong laptop at cellphone, pero nilamon ko ang lahat ng sinabi kong ‘yun ‘nung umagang iyon. December 23, malapit na magpasko, at abala lahat ng kasama ko sa bahay sa kanya-kanyang paghahanda. Hindi ako masyadong naghahanda sa pasko. Gusto ko man magregalo, masyado akong tamad para bumili. Ihahabol ko na lang siguro, o cash na lang. Tutal wala rin naman akong pupuntahang get-together o party o reunion with my friends. Reunion with family ang pupuntahan namin, at nakaready na ang ipapamasko kong tig-bebente.
Dahil nga ako lang mag-isa at randam na ramdam ko ang lungkot, ginawa ko ang tanging bagay na pwede kong gawin – magfacebook. Matagal-tagal rin akong naging inactive sa facebook, pero simula nung nakabitan na kami ng internet, pinangako ko sa sarili kong bubuhayin ko ang namatay kong social life at makikipagkaibigan muli – parehong sa mga lumang kaibigan ko na nakalimutan na at sa mga bagong makikita ko habang nagpapalipat lipat ng profile at nagla-like at comment sa mga posts. At nung umaga ngang iyon, sinimulan ko ang pagfefacebook.
Hindi rin naman nagtagal ay naubos na ang mga bagong laman ng news feed ko. Kahit anong refresh at scroll ko pa, pakiramdam ko yun at yun lang din ang mga lumalabas na post. Meron akong higit 1000 friends pero parang 20 na tao lang ang mga nakikita kong nagpopost? Pasaway na facebook ‘to oh. Sa sobrang kabagutan ko, lahat na nila-like ko, kahit hindi ko kakilala yung nagpost. Wala namang masama diba? Eh sa like ko yung post nila eh. Haha. Magcocomment na rin ako minsan kung talagang may gusto akong sabihin. Habang ginagawa ko ‘to, sabay add na rin ng mga taong medyo pamilyar pero hindi ko gaanong kilala. Add na rin ng mga babaeng may magandang display picture at medyo marami namang common friends. Haha.
Reformed Witness Hour Message Of The Protestant Reformed
Isa sa mga taong nakita ko at inadd ko ay si Beatriz. Hindi ko talaga siya kilala, pero dahil mayroon kaming maraming mutual friends, naisip ko baka kakilala ko siya at hindi ko lang maalala. Bakit naman hindi? Saka ang ganda ng profile picture nya, kaya talagang mapapa-add ka. Hehe. Gaya ng nakasanayan na ng nakararami at ako na rin simula ng magfacebook ulit ako, kapag inaccept ang friend request ko ay sabay chat para lang magsabi ng “thanks for the accept” o TFTA. Isang generic ice breaker na rin yun, diba? Ang totoo wala naman akong gustong mapala sa pagchachat sa kanila. Gusto ko lang talaga ng kausap ng tungkol sa kahit ano. Pag wala kang kasama sa bahay at lahat ng tropa mo ay parang mga ninong at ninang mo na nagtatago sayo at di mo makausap, siguro kahit sino na lang makausap mo ay okay na.
Pagkaadd ko kay Beatriz, agad naman akong nagmove on sa buhay ko at nagpatuloy sa pagfefacebook. Hindi naman usually inaaccept agad ang friend request eh, lalu na kung hindi naman s’ya online. Pero nagulat na lang ako ng ilang minuto lang ang lumipas ay nagnotify na ang facebook, “Beatriz has accepted your friend request.” Dahil mabilis akong naaccept, binilisan ko na rin ang pagchat ng mandatory TFTA. Matapos ang ilang segundo, tumunog ang facebook at lumabas ang mapandurog-damdaming “seen”. Dahil nakita na nya, hinintay ko ang reply nya. Nakaupo lang ako at tila nahypnotize habang nakatitig sa screen ng phone ko, hinihintay ang lalabas na reply nya. Hindi ako madalas ganito. Sanay naman ako maisnab ng mga chinachat ko, kaya nga pagkasend ko ng TFTA ay madalas sinasara ko na ang chatbox dahil hindi na ‘ko umaasa pang magrereply sila. Pero kakaiba ang dating sakin ni Beatriz. Hindi ko alam kung anong hiwaga ang bumalot sa akin at napatitig ako sa chatbox sa phone ko, na parang malakas ang kutob ko na magrereply s’ya at magkakaroon kami ng isang makubuluhang pag-uusap. Sa likod ng isip ko, may boses na sumisigaw at sinasabi saking isara ko na ang chatbox dahil wala rin namang magrereply sakin. Pero siguro masyadong malalim ang pagkatulala ko at hindi ko pinapansin ang matino kong sarili.

Matapos ang ilang sandali (hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa phone ko), nabasag ang katahimikan ng isang tunog na madalas ay nakakairita, pero nung panahon na iyon ay parang musika sa aking pandinig – tunog na parang bakal na bolang nalaglag sa salaming sahig. Mahirap ipaliwanag ang tunog, pero kung madalas kang gumamit ng facebook chat sa android ay siguradong alam mo – “Beatriz is tryping.” Bumilis ang tibok ng puso ko hindi lang dahil sa tuwa kundi dahil kinabahan ako. Ano kayang sasabihin nya? O mas importante, anong sasabihin ko? Medyo marami na rin akong nakachat sa facebook na hindi ko kakilala, at lahat ng pag-uusap namin ay nauuwi sa wala, dahil sa walang kwenta kong social skills. Ayokong maulit ulit ‘yun. Kailangang may masabi akong matino at may mapag-usapan kaming makabuluhan.
Paano Ka Manampalataya: Paano Mo Malalaman Ang Wagas Na Pag Ibig?
“Ur Welcome” – ang lumabas sa chatbox. Patay na. Nasa akin na ang bola, at napunta nanaman ako sa pinakamahirap na sitwasyon – ang mag-isip ng topic. Ano na? Ano bang sasabihin ko? Kailangan bilisan ko kundi baka umalis na sya o mawalan na ng gana makipag-usap. Tapos biglang naalala ko yung payo sakin ng kaibigan kong babae na hiningan ko ng advice nung isang araw lang…
“Uhm, sabihin mo lang ‘pwede bang makipagkaibigan?’ Mas ok yun kasi straight to the point kaysa naman kung anu-ano pang sabihin mo. Naiirita ako sa mga ganun eh.” Sagot nya.
“Ganun ba? Parang bulok na style na yun. Pero sige susubukan ko, wala namang mawawala sakin kundi isang potensyal na kaibigan. Haha” Reply ko.
Ang Gawain Ng Diyos, Ang Disposisyon Ng Diyos, At Ang Diyos Mismo Ii
Kahit naniniwala akong personal lang n’yang opinyon yun, sinubukan ko na rin, dahil gaya ng sabi ko, wala namang mawawala sakin. Saka kung iisipin, may point naman sya. Dahil gusto kong makipagkaibigan, bakit hindi yun ang sabihin ko?
“Ayun mabuti na lang. Akala ko ayaw mo eh. Hehe.” Nagmamadali kong reply. Sa sobrang pagmamadlai ko, nakalimutan ko ang isa pang malupit na technique na alam ko – palaging may tanong dapat ang sasabihin para mas may dahilan s’ya para magreply. Dahil naalala ko yun, agad agad akong nag-isip ng tanong. Patay nanaman. Wala akong maisip. Wala na, maseseen-zone na ko at tapos na ang usapang ito. Pero habang namumroblema ako, nagreply na s’ya.

“Bakit naman ayaw? Inaccept na nga kita eh, so ibig sabihin willing ako makipagkaibigan. :)” Yan ang lumabas sa chatbox ko. Tinitigan kong mabuti, dahil kahit sa isang saglit ay napaisip ako at nagtaka, kung totoo bang babae ‘tong kausap ko. Una, nagreply kahit hindi patanong ang sinabi ko. Pangalawa, lumampas sa 30 characters ang reply nya! Haha pero seryoso, may kakaiba sa kanya. Napakafriendly nya, at para bang nagmatch agad ang mga personality namin.
Los Romanticos Book 1: Romance At Work (complete)
Nagtuluy-tuloy na nga ang pagchachat namin. At dahil swak ang personality namin at sadyang friendly naman s’ya, hindi ako napressure mag-isip ng sasabihin or magbukas ng topic. Masarap sa pakiramdam makipag-usap ng natural at maging sarili ko lang. Pakiramdam ko ay nakahanap talaga ako ng isang kaibigan at hindi lang basta kachat sa facebook. Marami kaming napag-usapan ng araw na yun, yung iba makabuluhan, yung iba walang kwenta. Napag-usapan namin lahat mula sa kung bakit gusto namin ng buo-buong keso sa ice cream hanggang sa kung ano ba talaga ang ideal relationship para sa amin. Bakit nasa labas ang brief ni superman? Paano nga