Pangungulila: Mensahe ng Pagmamahal ng Asawa para sa Kanyang Mahal

Pangungulila: Mensahe ng Pagmamahal ng Asawa para sa Kanyang Mahal

Minsan walang oras para makapag-usap ng maayos ang mag-asawa pero hindi dapat maging hadlang ito para maipakita kung paano magmahal ang isang asawa at maipakita ang kahalagahan ng isang pamilya.

Matagal na tayong nagsasama pero minsan naiisip ko parang malayo ka parin sa akin. Siguro may mga hindi tayo pagkakaintindihan, ngunit hindi ibig sabihin no’n ay nababawasan ang pagmamahal ko sayo.

PDF)Mahal />

Minsan, siguro, nagtatampo dahil hinahanap ko na ako naman ‘yong iintindihin mo at hindi lang palagi ako ang iintindi sayo. Dahil sabi nga nila ganito kung paano magmahal, dapat nagbibigayan.

Paano Bumalik Ang Pagmamahal Ng Asawa Mo Through Intimacy?

Hindi ko ito sinusulat dahil nagrereklamo ako—bagkus, gusto kong ipaalam sa ‘yo ang nararamdaman ko sa paraang uupuan at pakikinggan mo ang bawat sasabihin ko at hindi ‘yong lilinyahan mo ako ng, “Ayan ka na naman.”

Pagpasensyahan mo minsan kung matanong ako, pero hindi ibig sabihin no’n na wala akong tiwala sayo. Gusto ko lang malaman kung anong nararamdaman mo at pinagdadaanan mo para alam ko kung may maitutulong o may magagawa ako para mapagaan ang pakiramdam mo.

Mahal, hindi sa lahat ng oras mahuhulaan ko kung anong nasa isip mo. Kaya huwag ka sanang mahiyang magsabi sa akin dahil alalahanin mo, asawa at kasama mo ako. Kaya sisiguraduhin kong makikinig ako sa bawat sasabihin mo. Mapa-sad story pa yan o ‘yong epic na most embarrassing moments mo—pakikinggan ko. Dahil ang kuwento ng buhay mo ay kuwento na rin ng buhay ko.

Panitikan (mam Pedroso)

Kaya ang mensahe para sa aking mahal na asawa, hindi ko hinihiling na maging perfect husband ka, pero sana kapag alam mo ng hindi ko na kaya, aalalay ka.

Sa totoo lang naa-appreciate ko ‘yong paghuhugas mo ng plato at paglilinis mo ng kuwarto. Kahit hindi mo sabihin, nakikita ko lahat ng ginagawa mo at nagpapasalamat ako. Hindi madali ang gawaing bahay, kaya sa bawat bagay na itinutulong mo gumagaan ang mga trabaho ko.

Sana huwag mo rin pabayaan ang sarili mo. Mag-ayos ka, mag-ahit, at magpa-guwapo. Hindi sa kinahihiya kita pero dahil sobrang proud ako sa ‘yo. Kahit anong oras basta may makita akong kakilala ko, ipagmamalaki ko na ikaw ang asawa ko. Dahil tumataba ang puso ko kapag sinasabi nilang ang guwapo mo at ang suwerte ko sa ‘yo.

Ikaw Pa Rin Sa Puso Ko

Alagaan mo ang kalusugan mo higit sa lahat. Umiwas ka sa ano mang bisyo na magbibigay sa ‘yo ng karamdaman. At kung may nararamdaman ka, huwag mag-atubiling pumunta sa doctor at sasamahan kita. Dahil higit sa ano pa mang yaman sa mundo, mahalaga ang malusog at masaya ka.

Pagpasensyahan mo rin sana ako kung minsan mainit ang ulo ko. Salamat dahil imbis na sabayan ako, nag-gigiveway ka. Kasi ang anumang inis o galit ko ay lilipas, lalo na kung maiintindihan at rerespetuhin mo ang damdamin ko.

Huwag mo ring masyadong pansinin ‘yong mga bashers ko sa social media, mas maraming bagay na mas importanteng intindihin kaysa sa kanila.

Mga Halimbawa Ng Maikling Kuwento

‘Tsaka, Mahal, tandaaan mo kaya ko ang sarili ko pero kung sakaling kailangan ko ng back-up, huwag ka sanang mawala diyan sa likod ko. At lagi mong iisipin, ang mga kaibigan ko ay kaibigan mo rin kahit minsan may pagpakialamera sila, hangad nila ang ikakabuti nating dalawa.

Hindi mo alam kung gaano mo ko napapasaya kapag ‘pinapakilala mo ‘ko sa mga kaibigan mo bilang misis mo. Ramdam na ramdam ko ‘yong pagmamalaki mo sa akin. Pero kung ano mang naabot ko, dahil din iyon lahat sa ‘yo, dahil sa pagsuporta mo.

Minsan kahit pagod na ‘ko, gumagaan ang pakiramdam ko kapag tumatawag ka para mangamusta. Sa ganoong paraan nararamdaman ko na hindi ako nawawala sa isip mo.

Maraming Salamat At Paalam, Aking Ama! Hanggang Sa Muli Nating Pagkikita...

Kahit minsan nakakainis ka dahil nakikialam ka sa pananamit ko, nagpapasalamat parin ako dahil na-appreciate mo ang hitsura ko at natutulungan mo ‘kong maging mas magandang version ng sarili ko. Kaso sana minsan hinay-hinay lang sa pag-komento. Mister kita, at hindi ka judge ng isang fashion show.

ESP

Sa mga simpleng bagay na ginagawa mo, tulad ng pag-“I love you” bago matulog, paghalik sa noo ko, pagyakap sa akin habang busy ako magluto—kinikilig ako dahil sa ganoong paraan ‘pinaparamdam mo na kahit lumipas na ang taon, wala paring nagbabago sa pagmamahal mo.

Alam ko ang pangangailangan ng pagkakalalaki mo, pero salamat dahil sa mga oras na hindi ko mabigay ang gusto mo, naiintindihan mo ‘ko. Pero kung may mga gusto kang subukan, huwag kang mahiyang magsabi sa akin dahil tulad nga ng sinabi ko, hangad ko ang kaligayahan mo. Kung kaya ko, gagawin ko para sa ‘yo.

Research Paper Maam Sem Pre Final

Salamat sa pag-aalaga sa mga bata kapag masama ang pakiramdam ko. Ang pagtimpla ng dede ni baby sa madaling-araw, lalo na kung mahimbing ang tulog ko.

Sa ngayom, ito muna ang masasabi ko: Oo, hindi ka perpekto pero salamat dahil ‘binibigay mo ang best mo para maging karapat-dapat na mister na tunay na minamahal ko.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!Ang trabahong seaman ay maituturing rin na OFW dahil kailangan nilang umalis ng bansa at malayo sa kanilang pamilya upang may perang maipadala pantustos. Naglalayag sila sa karagatan at dumadaong sa ibat-ibang bansa na may kasamang pangungulila sa kanilang asawa’t mga anak.

Baitang 8 Esp Lm Module 1 March.16.2013 (edited) Dave

Hindi maitatanggi na para sa marami, ang trabahong seaman ay magandang trabaho kung maituturing. Iniisip ng marami na sila ay mayaman at humihiga sa pera dahil malaki umano ang sinasahod nila. Nakakalungkot isipin na ang salitang seaman ay naiuugnay lamang sa pera at hindi sa sakripisyo nila para sa pamilya.

Kaya naman isang post ang nag-viral sa social media matapos ibahagi ng isang misis ang paghihirap ng kanyang asawang seaman sa barko. Ibinahagi ni Ticong-nicolas Jimma ang mga larawan ng kanyang asawa na pagod na pagod, at may kasamang payo para sa mga netizens lalo na sa mga misis na tulad niya.

-

Ayon kay Jimma, sa mga misis o babaeng may asawa o kasintahang seaman, nararapat lamang na bigyan sila ng pagmamahal dahil hindi biro ang sakripisyo ng mga ito para lamang may perang maipadala sa pamilya. Tinitiis nila ang pagod at pangungulila sa kagustuhang masuportahan ang mahal sa buhay.

Filipino 10 Las Q4

“Love your husband/boyfriend/family as he loves you and your relationship. Saludo sa mga marino na walang sawang nagpapagod para sa pamilya nila para lang mabigyan sila ng magandang buhay.”

Makikita sa mga larawan ang asawa ni Jimma na pagod na pagod at nakatulog na nga habang nakaupo ito. Hindi na nito nagawang humiga pa sa kama sa sobrang pagod sa pagtatrabaho sa barko kaya’t nakatulog na habang nasa sahig. Isa lamang ito sa mga sakripisyo ng seaman para sa kanilang pamilya.

Bilang asawa ng seaman, lubos na nalulungkot si Jimma na malayo sa kanyang asawa. Gustuhin niya mang kasama lamang sa Pilipinas ang asawa ay hindi rin pwede dahil ito lamang ang inaasahan ng pamilya. Kaya naman bilang kabayaran nararapat lamang na maging mabuti siyang misis at bigyan ito ng pagmamahal, imbes na sinesermonan o inaaway lagi na umakyat ng barko.

Pagsusuri Sa Uhaw Ang Tigang Na Lupa

“For a seaman’s wife like me, I think our partners deserve extra care and love when they are not on board, instead of nagging and telling them—You go now. Call the office because we need money, ”

Lagi daw isipin ang sakripisyo ng mga mister na seaman, huwag lamang isipin ang perang kaya nilang ipadala. Hindi biro ang pagtatrabaho bilang isang seaman dahil sa dala nitong panganib habang naglalayag sa karagatan. Isa pa, hindi naman sila nagbabakasyon na parang nasa cruise ship dahil mabigat din ang trabahong ginagawa nila sa loob ng barko.

Nakakalungkot daw isipin na maraming tao at mga kamag-anak ang nag-iisip na humihiga sa pera ang ang mga seaman katulad ng kanyang mister. Hindi daw naiisip ng mga ito ang paghihirap, pagtitiis at pangungulila sa pamilya ng bawat seaman dahil sa kaisipang mayaman ang mga seaman.

Grade

Tagalog Literary Text

“For those relatives who always think that your relative seaman is sleeping with money, just look at this picture. Maybe it’s a wake up call to some families who are fighting over seaman’s money, ”

“Tama po kayo dyan ma’am, ‘pag seaman ang asawa puro pera lang nasa isip ng mga tao. Wala po silang pake sa hirap at pagod nila.”

“Agree! May mga mababait na Misis, pero hindi rin maiwasan na may mga asawa na laging sinesermonan ang seaman na Mister laging pinagmamadali na umakyat ng barko.”

Grade 8 Learning Module In Edukasyon Sa Pagpapakatao

“Nakakalungkot pero totoong mahirap ang sitwasyon ng mga marino. Hindi po sila nagbabakasyon sa dagat, sila po ay nagtatrabaho kaya tigilan na po sana yung pagsasabi na ok lang sila kasi madami namang pera. Madami ngang pera pero nagkakasakit naman sa pagod.”

Isang magandang halimbawa si Jimma sa lahat ng misis na may asawang seaman, na maging isang mabuting asawa dahil ito na lamang ang magagawa nila sa lahat ng sakripisyo ng mister. Huwag lamang isipin ang perang ipapadala nila kundi isipin rin na ang perang ito ay nagmula sa kasipagan, pagtitiis at sakripisyo ng asawa. Higit pa sa pera ang kanilang kayang ibigay dahil ang mga seaman ay may matinding pagmamahal sa pamilya na kahit anumang pagod ay hindi alintana.

LihatTutupKomentar