Ang puso ay may malaking papel na ginagampanan sa katawan ng isang tao. Ito ay isang muscular organ na may tungkuling mag-pump ng dugo papunta sa mga arteries at veins . Ang puso ay isa sa iyong pinakamatitibay na kalamnan, dahil ito lang ang may kakayahan na magbomba sa milya-milyang daluyan ng dugo sa lahat ng mga bahagi ng ating katawan. Ang dugo ang siyang nagdadala ng mga bitamina, mineral at maging ng oxygen, kinakailangang mapanitili ang kalusugan ng ating puso upang maging maayos at normal ang galaw ng ating katawan.
Dati ang sakit sa puso ay tinatawag na sakit lang na pang mayaman o kaya naman ay sakit na pang matanda. Ayon sa Department of Health (DOH), ang iba't ibang sakit sa puso o may kinalaman sa puso ay ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino. Mayroong 19 na katao ang namamatay kada oras dahil sa sakit sa puso at ugat. Ito ang pangalawang nagiging dahilan ng kamatayan sa bansa mula noong taong 1993.
Tumitibok Sa Sigaw Ng Pagbabago />
Ang mga sakit sa puso (cardiovascular diseases) ay tumutukoy sa pangkat ng iba't ibang katawagan sa sakit na dumadapo sa puso. Maaaring nabubuo ang sakit sa puso sa maraming taon. Nangyayari ito kapag ang daluyan ng dugo na patungo sa puso, ay nagiging makitid at barado. Maaaring maganap ang atake sa puso kapag nabarahan ang mga daluyan ng dugo.
Taste Of Love || John Paulo Nase
Kung dati hindi nagkakaroon o nakakaranas ng stroke ang isang taong nasa 20's at 30's, ay iba na daw sa ngayon. Kahit pa may tamang diet at may kasamang active lifestyle, ay posible pa rin daw ang pagkakaroon ng heart disease o kaya stroke. Lalo na ang mga kabilang sa Generation X at mga millenials na nasa 20s at 30s at lumaki kasabay ng internet at social media. Kung saan mas mababa na o wala na talagang oras para sa ilang traditional at physical activities; tulad ng basketball o volleyball at pinili na lang na e-exercise ang daliri kakalaro ng mga online games sa loob ng bahay.
Ang pagwawalang bahala at kakulangan sa kaalaman ay ilan sa mga dahilan kung bakit patuloy pa ring tumataas ang mga bilang ng kaso ng heart disease at stroke. Ang ating daily lifestyle ay maaaring may malaking epekto sa ating kalusugan nang hindi natin namamalayan.
May mga posibleng dahilan sa pagkakaroon ng sakit sa puso, maaaring ito ay ang mga pag-uugali at mga gawain na sadyang nakasanayan na. Mas mataas ang panganib nito hanggang sa iyong pagtanda kung ikaw ay meron nito o ginagawa mo ang mga sumusunod:
Dayglow Of A Demon Dreame
Ngunit lingid sa alam ng karamihan, kahit pala ang simpleng stress, ay maari palang maging dahilan ng sakit sa puso. Sa isang panayam kay Dr. Erlyn Demerre ng Philippine Heart Association (PHA) sa programang Good Vibes sa DZMM, ang stress daw ang kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa puso.
Isang halimbawa umano ng reaction ng hormone ng isang tao ay ang pagbara sa daluyan ng dugo at pagtigil sa sirkulasyon ng oxygen sa katawan ng tao. Kaya nakakaranas ito ng biglaang atake sa puso o stroke. Ayon pa kay Dr. Demerre, ang stress ay maaring makapagpataas ng blood pressure, nakakatigas ng ugat at nakakapagpataas ng cholesterol level. Lahat ng ito ay maaring maging dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa puso.
Maaring nakakaranas tayo ng stress sa araw-araw sa ating mga trabaho o sa ating bahay, pero pagkatapos nawawala rin naman. Pero aniya, nakakasama ang stress kapag ito ay prolonged na o matagal ng nararanasan.
Filipino 2 Part 1
Ayon rin kay Dr. Ranulfo Javelosa Jr. na division chief ng Preventive Cardiology sa Philippine Heart Center, ang cardivascular diseases(CVDs) ay ang kinikilalang world's biggest killer.
Kung ikaw ay may iniindang sintomas o senyales ng sakit sa puso, dapat ikaw ay magmatyag at maging maingat sa isang tinatawag na atake sa puso o angina. Ang angina ay isang senyales na ikaw ay magkakaroon pa lamang o mayroon nang pag atake sa puso.
Ang paninikip ng dibdib, pananakit ng lalamuan, panga at dibdib ay iilan lamang sa mga senyales ng angina. Ito ay nangyayari dahil sa mababa lamang na dami ng dugo ang dumadaloy patungo sa kalamnan ng puso. Ang atake sa puso ay tinatawag ding acute myocardial infarction, o AMI na kalimitan ay pwedeng humantong sa kamatayan kung hindi maagapan.
Shade Of Love
Narito ang mga sintomas ng sakit sa puso na pwedeng mag iba-iba depende sa kondisyon na dinaranas, ngunit ang mga sumusunod ay ang mga sintomas na pangkaraniwang nagiging sanhi ng atake sa puso:
Ngunit kaagad na tumawag sa iyong doktor o agad pumunta sa pinakamalapit na pagamutan, kung nararamdaman mo rin ang mga sumusunod na sintomas:
Huwag ipagwalang bahala ang mga nararamdamang ito, dahil kapag hindi naagapan ang iyong kondisyon ito ay maaaring magdulot ng stroke, heart failure o di kaya ay kamatayan.
Megaproplus Volume 68 Full Artist List P
Ayon kay Cheche Lazaro, president of Probe Media Foundation Inc. (PMFI), mas madali daw magkaroon ng unhealthy lifestyle kesa sa healty lifestyle kung saan marami ka pang bagay na dapat isaalang-alang bago gawin.
May mga bagay na maaaring isaalang-alang upang maiwasan o makontrol ang sakit sa puso. Katulad ng pagpili ng tamang pagkain at pagkakaroon ng daily routine sa araw-araw.
Sa kanyang facebook account ay ibinahagi ni Dr. Willie T. Ong ang isang post tungkol sa mga pagkain na maaaring makatulong sa pangangalaga ng ating mga puso, o pagkaing maaring makaiwas sa sakit sa puso, narito ang iilan:
Group 2, Literary Folio Final│12 Stem A By Gorgonia, Carl Matthew N.
Tandaan lamang na ang pagkain sa mga sumusunod ay kailangang nasa sakto lamang na dami at bilang, dahil lahat ng sobra ay nakakasama.
Tandaan na ang anumang pisikal na gawain ay kailangan naaayon sa rekomendasyon ng iyong doktor, nang sa gayon ay maiwasan ang peligro.

Ang sakit sa puso ay maaaring dahilan rin sa kakulangan ng tinatawag na CoQ10 enzymes. Ang Coenzyme Q10, o CoQ10, ay isang natural na kemikal na makikita sa halos bawat cell ng katawan ng isang tao. Ang CoQ10 ay isang antioxidant na likas na ginagawa ng katawan at iniimbak sa bahagi ng cell na tinatawag na mitochondria.
Match Made After Life U
Isinasagawa ng CoQ10 ang ilang mahahalagang papel, kabilang ang pagtataguyod ng produksyon ng enerhiya at pag-neutralize ng mga mapanganib na tinatawag na mga free radicals. Nang sa gayon ay maprotektahan ang mga cell at magbigay ng mga benepisyo sa puso.
Ang mga sumusunod naman ay mga halamang herbal na maaari rin maging alternatibong panlunas o solusyon sa paggamot sa sakit sa puso. Ngunit kung ikaw ay may maintenance na gamot ni iniresita ng iyong doktor ay sundin at inumin ito :
Serpentina (Tagalog); Java devil pepper, Serpent wood, Rauwolfia (sa English); tinaguriang “The King of Bitter Herbs” dahil sa kapaitan nitong taglay. Napakaraming benepisyo ng serpentina sa katawan ng tao. Ito ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng presyon sa dugo upang maiwasan ang atake sa puso at stroke.
Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino
Ang pag-inum ng pinulbos na dahon ng serpentina ay mainam bilang panlaban sa mga dugong bumabara sa mga ugat at muscle ng ating puso. Mainam rin itong panlaban sa pagkalason ng dugo o maging panlinis ng dugo.
Bawang (Garlic) ito ay may sangkap na allyl sulfides na tumutulong magpababa ng ating kolesterol at blood pressure. Tumutulong din ito na pataasin ang blood antioxidant potential. Ang allyl sulfides ay tumutulong rin sa pagsugpo ng kanser sa colon, suso, prostate at baga.
Ang dalawa hanggang tatlong piraso ng bawang ay maaaring durugin at lutuin o prituhin ng kaunti. Ngunit huwag susunugin upang mas maging epektibo ito.Pwede ring kumain ng hilaw na bawang, ngunit kunting ingat lang dahil ito ay mahapdi sa sikmura.
Father & Sons
Ang tanglad ay lubos na nakapagpapalusog ng ating katawan dahil ito ay mayaman sa vitamin C at A, zinc, folic acid, magnesium, manganese, calcium, potassium, copper, phosphorus, Vitamin B, at iron. Nag reregulate ng masamang epekto ng cholesterol. Pinipigilan nito ang masamang dulot ng cholesterol sa pagbabara sa mga daluyan ng dugo.
Blue Ternate tea (Butterfly pea flower) mabisa para sa kalusugan ng puso, at pinapanatili ang iyong balat na kumikinang. Ang isa sa mga pakinabang ng pag-inom ng blue Ternate tea ay dahil mayaman ito sa antioxidants.
Ang mga malalakas na bio-compound na ito ay tumutulong sa ating katawan na labanan ang mga free radicals na maaaring makasira sa ating mga body cells at maging dahilan nang premature ageing.
Sakit Sa Puso
Kung may tanong ka pa na may kinalaman sa sakit sa puso, maari kang mag-comment sa ibaba at pipilitin naming sagutin ka agad.