Mga pantasya'y natutupad sa bawat araw ng buwan, maligayang ikalimang buwanaryo, mahal ko!

Mga pantasya'y natutupad sa bawat araw ng buwan, maligayang ikalimang buwanaryo, mahal ko!

Dalawang pagsasanay ang ating gagawin ngayong umaga, na sana'y maging mapakinabang sa ating pagpapatuloy sa larangang ito. Una, pagsasanay sa pagdalumat; at ikalawa, pagsasanay sa paggamit ng ating madadalumat. Ginagamit ang pagdalumat sa pagkakataong ito bílang figuring out. 

Sa pag-aaral ng teorya, mulang Formalism/Pormalismo hanggang saanman táyo abutin, táyo ay palaging nasa proseso ng figuring out, ng pag-unawa at pagbuo sa ating isip ng mga framework o balangkas na natutuhan—kahit madalas komplikado at masalimuot. Sa una’t hulí, pamamaraan ito ng interpretasyon.

EDUKASYONIkalimang Buwanaryo Mahal Ko />

Kapag naman táyo ay nagsusuri ng anumang tekstong brodkast, táyo rin ay sumasailalim sa figuring out. Ibig natin maunawaan ang ating sinusuri, binabása natin ito habang pinanonood-pinakikinggan-dinadanas. Interpretasyon din ang pangunahing layon ng kritisismo, at ang kabuoang gawaing ito ay talaga ngang pagdalumat, figuring out: kung babalikan ang etimolohiya ng intepretasyon, mauugat na ito ay proseso ng pagpapaliwanag, pagpapalawak, pag-intindi.”

Edukasyon Sa Pagpapakatao Grade 7

Ang tagpuan ng teorya at pagsusuri ay humahantong sa interpretasyon. Kayâ ang mga pagsasanay na ito ay talaga nga namang pagsasanay sa interpretasyon.   

Ang pagdalumat ay nangangahulugang conceptualizing, theorizing. Pinalalawig ko ito sa pagdadawit sa isa pang salita na sa tingin ko'y mapaglarawan sa ating ibig ipabatid: heuristic, enabling someone to discover or learn something for themselves. 

Ang salin ko rito sa heuristic ay pagkapa [mula sa Sikolohiyang Filipino], o dili kayâ'y pagtaya [mula sa Pilosopiyang Filipino. Mangangapa táyo, magtataya táyo ngayong umaga upang makabuo ng sariling pagkatanto o kabatiran. At sisikapin natin iyan sa pagkapa, pagtaya sa ating tatlong susing salita: Pagbubukod, Representasyon, at Kaakuhan--pawang mga salin ng mga kritikal na terminolohiyang Otherness, Representation, at Identity.

Bloodshed For Throne

Ang otherness ay pagbubukod, bagaman sa isang bandá, higit na palasak ang kahulugan ng salitâng ugat na bukod bílang paghihiwalay (separation; set apart from) [halimbawa, ibukod ang puti sa de-kolor sa labada upang hindi maghawa]; at pagtatangi (distinction) [halimbawa, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat].

Sa pagkakataong ito, ginagamit natin ang pakahulugan ni Isagani Cruz (2003), nang ilarawan niya ang ating kritikal na tradisyon bílang bukod na bukod, the other, other. Masahol pa raw táyo sa salimpusa sa mundo ng kritika sapagkat sa pandaigdigang larangan, ni hindi man lámang... (i)binabangko... (at) hindi man lamang pinapapasok sa sarili nating palaruan” (p. 3-4) Ibig sabihin, halos hindi napakinggan/pinakikinggan ang ating mga ideya.   

Pinalawig ni Cruz ang konotasyon ng pagbubukod upang mangahulugan ng mahinalisasyon, o wika nga ng isang kandidato sa eleksiyon, pagsasantabi o pagsasalaysayan. Ang pagbubukod ay talaga ngang othering; ang bukod ay other, at napakahaba ng talâan ng other, kung babalikan lámang natin ang mga napag-aralan sa binary oppositions o mga dikotomiyang ini-estruktura sa atin ng wika, kung babalikan natin ang Estrukuralismo (Structuralism).

Muni Muni Xvii: Mayari By Psau

Ngayon naman, sa representasyon. Ang representasyon naman ay halaw natin sa Español para sa malikhaing pagganap o pagpapaganap (depiction, portrayal, dramatization). Tuwiran itong nag-uugat sa katuturang klasiko na pagtatanghal o pagpapakita, dili kayâ'y pagpapagitaw sa isip o imahinasyon ng anuman. 

Hindi ko isinasalin ang representasyon sa pagkakataong ito sapagkat iniuugat ko nga rin sa klasikong pakahulugan ni Aristotle, na tinuligsa ang gurong si Plato sa pagsasabing ang sining ay hindi lámang pagkopya [mimesis] bagkus isang paglikha [poeisis], isang makahulugang imitasyon na nagdudulot ng epekto sa tao. 

[akin ang diin] that is serious, complete, and of a certain magnitude; in language embellished with each kind of artistic ornament, the several kinds being found in separate parts of the play; in the form of action, not of narrative; through pity and fear effecting the proper purgation of these emotions.

Subaybay

Tanawin: Mga Saloobin Ng Babae

Ang paglikha [anumang midyum ang gámit], sa pinakabuod nito, ay representasyon ng tao, ideya, pangyayari, o karanasan. Ang representasyon ay talagang isang gawaing malikhain, at dahil na rin dito, isang pagwangis o approximation lámang ng realidad na ibig itanghal ng manlilika. Hindi ito ganap na tama, akma, o tumbas sa isinasagisag sa toton búhay. Kailangan itong igiit sapagkat batayan ito ng mga problema ng representasyon na matatawag, siyang matutunghayan natin sa ilang saglit.   

Samantala, identity naman ang kaakuhan, sa bisà ng salitâng ugat na ako. Sa paglalapi sa salita, nagiging natatanging aspekto ng katauhan ng isang tao ito, at pati na rin ang gayon ding pagkakakilanlan ng isang pangkat o bansa bílang tatak ng pagkakaisa. 

Malapit din itong kamag-anak ng salitâng kakanyahan, isa pang nalalapiang salita na una kong nakaharap nang basahin si Alejandro Abadilla [ang wika niya: Datapwa't higit sa damdamin ay ang makata sa kanyang sarili, sa sarili niyang may kakanyahan na iba kaysa lalong malapit niyang katulad”]. Mula sa salitâng-ugat na kaniya, mahihiwatigan din sa kakanyhan ang pagtukoy sa anumang pansariling katangian o pag-aari. 

Esp 7 Q4 Final

Ang identity, sa pagkakaunawa rito, ay tunay ngang kakanyahan ng isang tao o pangkat, sapagkat anumang pansariling katangian o pag-aari'y kaniyang-kaniya/kanilang-kanila, dulot ng pagkakatulad, kaisahan, o pagkakawangis. Kayâ sa isang bandá, hindi lámang indibidwal bagkus pangkalipunan ang ito, kultural kung matatawag, gaya ng minsang gitt ni Stuart Hall:  

Our cultural identities reflect the common historical experiences and shared cultural codes which provide us, as 'one people', with stable, unchanging and continuous frames of reference and meaning, beneath the shifting divisions and vicissitudes of our actual history (sa Rutherford, 1990, p. 223). 

Takdang

Pangunahing tesis ng panayam na ito ang paggigiit na mga politikal na dalumat ang pagbubukod, representasyon, at kaakuhan. Sa politikal, ang ibig kong sabihin  ay pagdalumat na nakaugat sa pakikisangkot ng tao sa komunidad (polity), panlipunang ugnayan (civil affairs), at pamahalaan (government). 

Yakap By La Liga Atenista

Bílang nilalang ng ugnayang panlipunan (social animal), ang tao ay pumapasok at nakikibagay sa kaniyang kapwa at pangkatin. Nakabubuo ng mga pakahulugan (meaning/signification) o pagpapakahulugan (meaning-making/signifying practices) ang pagpasok sa lipunan at pakikiugnay. Bumubuo ang mga ito ng mga palagay at halagahan hinggil sa sarili, sa kapwa, at sa daigdig. 

Kayâ nga talagang politikal ang pagbubukod, representasyon, at kaakuhan. Likha ang mga ito, sa kamalayan (isip, puso) at kagawian ng tao, ng panlipunang pagpasok at pakikibagay sa komunidad, panlipunang ugnayan, at pamahalaan. 

Samantala, sa masusing pagsusuri at pagbubunyag [isang susing salita ng mga Marxista ang tinatawag na demistipikasyon], matutuklasang tigib ang mga pakahulugan at pagpapakahulugang ito ng hidwaan--ng hidwaang pangkapangyarihan na nakaugat pa rin sa kalikasang politikal. Kayâ humihinging tunghan, masiyasat, at mabunyag ang mga ito. Iyan ang ating sisikaping gawin sa ikalawang pagsasanay sa pagdalumat. Sa mula’t mula, diskurso ng kapangyarihan ang mga susing salita ng talakay na ito,

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi Ii

. May mga nagdiwang, mayroon ding nagduda. Bagaman may maagap akong paglilinaw na higit na mabuti ang ipagpaliban ang pagpapataw ng palagay sa isang palabas na hindi pa napapanood nang buo, minabuti kong suriin natin ang teksto ng trailer upang maunawaan ang reaksiyon dito. 

Iskolarium

Una kong hinanap sa diksiyonaryo ang kahulugan ng “nocebo, ” bílang kakarampot ang talagang alam natin hinggil sa kuwento ng pelikula, at iniisip kong susi ito sa probisyonal na pag-unawa natin sa teksto. Sa Merriam-Webster, narito ang pakahulugan: “a harmless substance or treatment that when taken by or administered to a patient is associated with harmful side effects or worsening of symptoms due to negative expectations or the psychological condition of the patient.”

A fashion designer (Eva Green) suffers from a mysterious illness that confounds her doctors and frustrates her husband (Mark Strong)—until help arrives in the form of a Filipino nanny (Chai Fonacier) who uses traditional folk healing to reveal a horrifying truth” (“Nocebo”).

Bahaghari Folio Isyu 1 Pages 1 50

Malinaw na ipinakikilala ng trailer ang mga detalyeng ito, at talagang pumukaw sa maraming tao ang pagkapanood sa karakter ng katulong na ginampanan ni Fonacier. Sa mga nasiyahan, na sa tingin ko’y bahagi ng hindi iilang mamamayan na laging nagdiriwang sa okasyonal na pag-angat ng mga Filipino sa global na entablado, isa talaga itong sandali ng “Pinoy Pride.” Pero suriin natin muli ang natunghayan nating patikim sa masasabi nga namang napakahalagang pagganap ni Fonacier sa pelikula. 

Matapos na maisalaysay ang kung baga ay pangunahing pakiwari ng palabas [na may pinagdadaanang kung anong karamdamang-pangkaisipan, “brain fog” at panandaliang paglimot, wika ng mga talâ, ang bidang si Christine, at nakaaapekto ito sa kaniyang karera at sa pamilya nila ni Felix], biglang lumitaw mula sa kung saan ang naging kasambahay na si Diana, at ni hindi matandaan ng fashion designer na ipinatawag o nagpagpapatulong siya rito.

Ang sabi ni Diana sa Ingles, sa puntong Filipino na animo'y napakatigas ng dila: “I’m here to help you; you sent for me.” Napakahalagang sandali ng pagpapakilalang ito ng kasambahay sapagkat ang pagbating ito ang simula ng lagim sa buong bahay at búhay nina Christine at Felix. Sa pagbubukas ng pinto sa Filipina, na lumitaw kalaunan ay nakapanggagamot pala at pinagtiwalaan upang ganap na mapalayas ang mga bumabagabag sa isip ng bidang babae, napapasok din ang mga hindi magagap at hindi mawari na lalong nagpalubha sa pinadaraanan ng may karamdaman at ng pamilya.

Muni

Panitikang Asyano Fil09

Makahulugan na’t kung baga’y humihingi ng masusing pagdulog ang bitaw ng salita ng kayumanggiing si Diana, kaladkad ang kaniyang maleta. Isa ito sa mga unang pinuna ng ilan namang mapanuring nakapanood, sapagkat wika nila, hindi makatotohanan ang pagpilit sa karakter na magtunog-Filipino [ano nga naman kasi ang tưnog-Filipino?].

Ang papapatunog-Filipino, ang pagkakaloob kay Diana ng punto sa kaniyang pag-i-Ingles, ay malinaw na eksotisismo (exoticism) sa kaniyang karakter. Ang eksotisasyon ay kagawian ng pagbubukod, kung saan itinatakda ng palabas ang kaibhan ng mga bida [na pawang mga puti] at ng maaaring ituring na kontrabida [si Diana,

LihatTutupKomentar