Matapos ipagdiwang ang Dakilang Kapistahan ng Mahal na Puso ni Hesus, nakatuon ang pansin ng Simbahan sa Kalinis-linisang Puso ni Maria. Ang araw kasunod ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, isang araw ng Sabado, ay inilaan ng Simbahan upang pagnilayan ang Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria. Sa araw na ito, inaanyayahan ng Simbahan ang bawat isa sa atin na pagnilayan ang dahilan kung bakit ang Puso ng Mahal na Ina ay dalisay, busilak, malinis.
Isa lamang ang dahilan kung bakit malinis, dalisay, o busilak ang Puso ng Mahal na Ina. Ang pagiging dalisay at malinis ng Puso ng Mahal na Birhen ay isang gawa ng Diyos. Walang kakayahan ang Mahal na Inang si Maria upang gawing malinis at busilak ang kanyang Puso. Hindi niya kayang gawin iyon sa ganang sarili lamang niya. Bagkus, isa itong gawa ng Diyos. Dahil sa Panginoong Diyos, ang Puso ng Mahal na Ina ay naging tunay na malinis o dalisay. Hindi kayang gawin ni Maria sa sarili niyang puso ang paglilinis o pagdalisay tulad ng ginawa ng Diyos. Ang Puso ng Mahal na Birheng Maria ay nilinis, dinalisay, binusilak ng mismong Panginoong Diyos na tunay niyang iniibig at sinasamba.
Magpapadama Sa Yo Ng Pag Asa At Pagmamahal />
Kaya naman, sabi sa wakas ng salaysay sa Ebanghelyo na iningatan ng Mahal na Birheng Maria ang lahat ng bagay sa kanyang puso (Lucas 2, 51). Ang mga bagay na nauukol sa kanyang Anak na si Hesus, katulad na lamang ng tatlong araw na Siya'y nawala, ay iningatan ni Maria sa kanyang puso. Ang mga bagay tungkol sa kalooban ng Diyos ay iningatan ng Mahal na Ina sa kanyang puso. Hindi man niya maintindihan nang lubusan ang kalooban ng Diyos, iningatan pa rin niya ito sa kanyang puso. Tinanggap at sinunod pa rin niya ang mga nais ng Diyos. Ang pagiging bukas ng Mahal na Birheng Maria sa Diyos at pagtanggap sa Kanyang kalooban ay tanda ng kanyang pahintulot na linisin at dalisayin ng Panginoong Diyos ang kanyang puso.
The Estoile High School By St. Edward School Publications
Ang pagliligtas ng Panginoong Diyos sa Kanyang bayang hinirang ay binanggit sa Unang Pagbasa (Isaias 61, 11). Ano naman ang koneksyon ng pagligtas ng Diyos sa pagdalisay Niya sa tao? Sa pamamagitan ng pagligtas ng Diyos, ang lahat ay Kanyang dinalisay at nilinis. Ang lahat ng mga iniligtas ng Panginoon ay nilinis Niya. Dinalisay ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga iniligtas. Si Maria ay isang halimbawa. Dahil sa pagligtas ng Diyos sa kanya sa sandali ng paglihi sa kanya sa sinapupunan ni Santa Ana, naging malinis, dalisay, ang Puso ng ating Mahal na Birheng Maria.
Gaya ng Mahal na Birheng Maria, maging bukas tayo sa kalooban ng Diyos at hayaan natin Siyang maghari sa ating buhay. Hayaan natin ang Diyos na linisin at dalisayin ang ating mga puso. Hayaan nating tuparin ng Diyos ang Kanyang kalooban. Tanggapin at sundin natin ang Kanyang kalooban. Kapag ginawa natin iyon, magiging tunay na busilak, dalisay, malinis ang ating mga puso. Sa gayon, buong puso tayong makakapagbigay ng papuri at pagsamba sa kaisa-isang Panginoong nagligtas at dumalisay sa atin. Kasama nating nagpupuri at umaawit sa Panginoon ang ating Mahal na Inang si Maria at ang lahat ng mga anghel at banal sa langit.Mahal tayo ng ating Maylalang; gusto niyang maging malusog tayo, at magkaroon ng mahaba at makabuluhang buhay. “Ang aking mga utos ay ingatan nawa ng iyong puso, ” ang sabi ng Diyos, “sapagkat ang kahabaan ng mga araw at mga taon ng buhay at kapayapaan ay madaragdag sa iyo.” (Kawikaan 3:1, 2) Ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao ay makikita sa kaniyang mga utos sa Israel, na kinabibilangan ng espesipikong mga utos tungkol sa kalinisan at sanitasyon. (Deuteronomio 23:12-14) Nang sundin ng mga Israelita ang makatuwirang mga pamantayang iyon, naging malusog sila at nakaiwas sa mga sakit na sumalot sa ibang mga bansa, gaya ng Ehipto, na walang gayong mahusay na kodigo ng kautusan.—Deuteronomio 7:12, 15.
Sa ngayon, may mga tao ring ‘naglilinis ng kanilang sarili mula sa bawat karungisan ng laman, ’ gaya ng paninigarilyo, pag-abuso sa alak at droga. Kaya nababawasan ang tsansa nilang magkasakit—sa katawan at isip—pati na ang posibilidad ng maagang pagkamatay. At dahil karaniwan nang may nakakasalamuha tayo, ang pagsunod sa mga pamantayan ng Diyos sa kalinisan ay nagpapakita rin ng konsiderasyon sa iba.—Marcos 12:30, 31.

Walking With The Saints Podcast
“Patayin ninyo . . . ang mga sangkap ng inyong katawan . . . may kinalaman sa pakikiapid, karumihan, pita sa sekso, nakasasakit na pagnanasa, at kaimbutan, na siyang idolatriya. Dahil sa mga bagay na iyon ay dumarating ang poot ng Diyos.”—Colosas 3:5, 6. ANG SABI NG BIBLIYA
Espiritu.” Noong panahon ni Jesu-Kristo, nagsikap ang mga tao pati na ang mga Judiong lider ng relihiyon na maging malinis sa katawan pero binale-wala naman ang mga pamantayan sa kalinisan sa moral at espirituwal. (Marcos 7:1-5) Para ituwid iyan, sinabi ni Jesus: “Walang anumang mula sa labas na dumaraan sa loob ng isang tao ang makapagpaparungis sa kaniya, yamang dumaraan ito . . . sa kaniyang mga bituka, at lumalabas ito patungo sa imburnal.” Sinabi rin niya: “Yaong lumalabas sa isang tao ang siyang nagpaparungis sa isang tao; sapagkat mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, ay mga nakapipinsalang pangangatuwiran ang lumalabas: mga pakikiapid, mga pagnanakaw, mga pagpaslang, mga pangangalunya, mga pag-iimbot, mga gawa ng kabalakyutan, panlilinlang, mahalay na paggawi, matang mainggitin, . . . kawalang-katuwiran. Ang lahat ng mga balakyot na bagay na ito ay . . . nagpaparungis sa tao.”—Marcos 7:18-23.
Ayon kay Jesus, ang mga taong masyadong nagpapahalaga sa kalinisan sa katawan pero binabale-wala naman ang mga pamantayang moral at espirituwal ay parang mga kopang malinis ang labas pero marumi ang loob.—Mateo 23:25, 26.
Esp Learner Module Grade 8
“Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga utos; gayunma’y ang kaniyang mga utos ay hindi pabigat.”—1 Juan 5:3. ANG SABI NG BIBLIYA
![]()
Sa Mikas 6:8, mababasa natin: “Ano ang hinihingi sa iyo ni Jehova kundi ang magsagawa ng katarungan at ibigin ang kabaitan at maging mahinhin sa paglakad na kasama ng iyong Diyos?” Talagang makatuwiran iyan! Gusto rin ng Maylalang na sundin natin siya dahil sa pag-ibig. Magiging masaya tayo kapag ginawa natin iyan. (Awit 40:8) At kapag nagkamali tayo, makaaasa tayo sa awa ng Diyos. “Kung paanong nagpapakita ng awa ang ama sa kaniyang mga anak, si Jehova ay nagpapakita ng awa sa mga may takot sa kaniya. Sapagkat nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin, na inaalaalang tayo ay alabok, ” o mahina at di-sakdal.—Awit 103:13, 14.
Sa kabuuan, makikita sa mga pamantayan ng Diyos sa kalinisan sa katawan, moral, at espirituwal ang kabaitan at pag-ibig niya sa atin. Ang pagsunod dito ay nagpapakita naman ng ating karunungan at pag-ibig sa kaniya.
K 12 Most Essential Learning Competencies (melc) Grades 1 10 And Shs Core
“Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga utos; gayunma’y ang kaniyang mga utos ay hindi pabigat.”—1 Juan 5:3. ANG SABI NG BIBLIYA
![]()
Sa Mikas 6:8, mababasa natin: “Ano ang hinihingi sa iyo ni Jehova kundi ang magsagawa ng katarungan at ibigin ang kabaitan at maging mahinhin sa paglakad na kasama ng iyong Diyos?” Talagang makatuwiran iyan! Gusto rin ng Maylalang na sundin natin siya dahil sa pag-ibig. Magiging masaya tayo kapag ginawa natin iyan. (Awit 40:8) At kapag nagkamali tayo, makaaasa tayo sa awa ng Diyos. “Kung paanong nagpapakita ng awa ang ama sa kaniyang mga anak, si Jehova ay nagpapakita ng awa sa mga may takot sa kaniya. Sapagkat nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin, na inaalaalang tayo ay alabok, ” o mahina at di-sakdal.—Awit 103:13, 14.
Sa kabuuan, makikita sa mga pamantayan ng Diyos sa kalinisan sa katawan, moral, at espirituwal ang kabaitan at pag-ibig niya sa atin. Ang pagsunod dito ay nagpapakita naman ng ating karunungan at pag-ibig sa kaniya.