At nang isang panahon ako’y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa’t nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako’y namatay; at ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito’y sa ikamamatay” (Roma 7:9-10).
Bahagi ng hirap ay pag-alam kung sino ang nagsasalita. Ginamit ni Pablo ang unang panaong panghalip (“Ako, ” egō ) sa unang pagkakataon sa sulat na ito at gagamitin niya pa ito nang makapitong beses sa kapitulong ito. Tila baga binabanggit ni Pablo ang kaniyang sariling karanasan. Ngunit gaya ng banggit ni Bruce, “Ang interpretasyong awtobayograpikal ay hindi na malawakang tinatanggap ngayon gaya ng dati” (Bruce, Romans , p. 140).
Walang Kamatayan />
Sabihin nating sinulat ni Pablo ang kaniyang awtobayograpiya. Kailan niya naranasan ang pangnagdaang karanasan sa kautusan? Ito ba ay bago o pagkatapos niyang makarating sa pananampalataya kay Kristo? Sa anong diwa siya buhay nang hiwalay sa kautusan? At sa anong diwa siya namatay?
Pag Ibig Na Walang Hanggan
Iniisip ni Cranfield na tinutukoy ni Pablo, “ang sitwasyon ng tao bago ibinigay ang kautusan, marahil nasa kaisipan niya ang kalagayan ng tao gaya nang pinakikita sa Gen 1:28ff at bago ang Gen 2:16-17.” Binabanggit ni Pablo kung ano siya kay Adan.
Kung bayograpikal si Pablo rito at walang duda na oo, may isa lamang punto ng kaniyang buhay na siya ay walang kautusan- ang panahon ng kaniyang pagkabata bago ang ikalabindalawang taon, kung kailan siya ay naging bar mitzvah , anak ng kautusan. Pagkatapos niyan dumating ang kautusan, at itinaas ng kasalanan ang kaniyang ulo tulad ng isang ulupong upangsiya ay tuklawin (Bultema, Romans , p. 43; cf Jewett, Romans , p. 450; Witmer, Romans , p. 466).
Samantala, iniisip ni Robert Govett na ito ay karanasan ni Pablo, hindi bilang isang bata, kundi bilang isang hindi pa naipanganak na muling Judio, nang ang kaniyang konsensiya ay sa wakas natusok ng kautusan: “Ibinilang niya ang kaniyang sarili ng matuwid na lalaki sa lahat ng punto. Naniwala siya na siya ay ligtas sa harap ng Diyos dahil sa patotoo ng kautusan.” Ngunit sa kalaunan, napagtanto ni Pablo kung ano ang tunay na hinahanap ng kautusan. “Ang kumbiksiyon ay dumating sa isang sandali, na tila isang kidlat… naramdaman niya ang kasalanan sa kaniyang kalooban… ang kapahamakan ng kasalanan ay nasa kaniya. Hindi niya ito mababaligtad ng kahit anong gawa mula sa kaniyang sarili. Ang kasalanan ng masamang pag-iisip ay nanahan sa kaniyang dibdib” (Govett, Romans , pp. 259-260).
Pag Ibig Ng Kamatayan
At iniisip naman ni Zane Hodges na binabanggit ni Pablo ang unang bahagi ng kaniyang Kristiyanong pamumuhay, nang siya ay buhay sa diwa ng “pamumuhay nang may harmoniya sa Diyos”, subalit “ang kautusan ay kinompronta siya nang isa sa mga utos nito” at iyan ay “gumising ng kasalanan sa kaniya na nagresulta sa pagtatapos ng kaniyang pagkaranas ng buhay” (Hodges, Romans , p. 193).
Nakikisimpatiya ako kay Leon Morris na nagsabi, “Hindi natin matiyak kung anong panahon sa karera ng apostol nang ang kautusan ay nagsimulang gumising sa kaniyang makasalanang pagnanasa” (Morris, Romans , p. 251).
Pasalamat na lang at ang pagkaalam kung kailan ito nangyari kay Pablo ay hindi mahalaga sa kaniyang punto, na may kinalaman sa trabaho ng kautusan at kung ano ang ginagawa nito kanino man . At iyan ang nagtulak sa aking sabihin na ang sitas na ito ay napakapayak .
Sort By Popularity
Ang payak na punto ni Pablo ay kapag sinubukan ng tao na maging banal sa pamamagitan ng kautusan, ang kabaligtaran ang nangyayari . Inilarawan niya ito sa apat na baitang-
Una, ikaw ay buhay hiwalay sa kautusan. Ito ay higit pa sa pagiging buhay pisikal. “Ang pakahulugan niya ay siya ay nalulugod, malaya sa pag-aalala at nabubuhay nang Masaya na walang kakaibang nararamdamang guilt” (Eaton, Romans , p. 119).
Ikalawa, ang kautusan ay dumating. Hindi mo lang ito narinig, kundi naunawaan mo kung ano ang tunay na hinihingi nito at sinubukan mong isabuhay ito.
Bakit Madalas Na Pinipigilan Ng Pagsisisi Sa Nawalang Pag Ibig
Ikaapat, ikaw ay namatay. Maaaring kabilang dito ang pisikal na kamatayan, ngunit ginagamit ni Pablo ang kamatayan sa kaniyang metaporikal na diwa- naranasan mo ang kamatayan sa halip na buhay.
Iyan ang karanasan ni Pablo sa kautusan, at iyan din ang iyong magiging karanasan, kahit pa ikaw ay ipinanganak na muling Kristiyano. Nakita na ni Pablo ang mga Kristiyano sa Galacia na sinubok maging banal sa pamamagitan ng kautusan at nabigo (cf Gal 3:2-3). Ayaw niyang makita ang kaparehong kabiguan sa Roma.

Sa halip na maranasan ang kamatayan sa pamamagitan ng legalismo, nais ni Pablo ang mga Romano na maranasan ang mamatay (mahiwalay mula) sa legalismo.
File:07646jfsaint John Parish Church Rizal Dinalupihan Bataanfvf 19.jpg
Shawn Lazar (BTh, McGill; MA, VU Amsterdam) was the Editor of Grace in Focus magazine and Director of Publications for Grace Evangelical Society from May 2012 through June 2022. He and his wife Abby have three children. He has written several books including: Beyond Doubt: How to Be Sure of Your Salvation and Chosen to Serve: Why Divine Election Is to Service, Not to Eternal Life.
Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and David Renfro are opening up a short series about the minor prophet Jonah. This is...
There are many instances in our Bible study that present us with more than one option. A particular verse can be interpreted in more than...

Ang Pag Ibig
Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and Steve Elkins are responding to a question about fears when witnessing to unbelievers. For some, ...
The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.