Pumanaw si Alex Tizon noong Marso. Siya ay mamamahayag na nanalo ng Papremyong Pulitzer at may-akda ng Big Little Man: In Search of My Asian Self. Para sa higit pa tungkol kay Alex, mangyaring tingnan ang tala ng editor na ito.
Napuno ng abo ang itim na plastik na kahon na halos kasing laki ng toaster. Tumitimbang ito ng tatlo at kalahating libra. Inilagay ko ito sa canvas tote bag at inimpake sa aking maleta nitong nakaraang Hulyo para sa trans-pacific flight patungong Maynila. Mula roon ay maglalakbay ako gamit ang kotse ko patungo sa lalawigang nayon. Nang dumating ako, ibinigay ko ang lahat na natira ng babae na ginugol ang 56 taon bilang alipin sa sambahayan ng aking pamilya.
Pagmamahal At Pasasalamat />
Ang pangalan niya ay Eudocia Tomas Pulido. Tinawag namin siyang Lola. Siya ay 4 na talampakan 11 pulgada, na kulay kayumangging-kapeng balat at almendras na mga mata na nakikita ko pa rin kapag tinitingnan ko ang sa akin—ang una kong alaala. 18 taong gulang siya nang ibigay siya ng lolo ko sa nanay ko bilang regalo, at nang lumipat ang pamilya ko sa Estados Unidos, isinama namin siya. Walang ibang salita kundi alipin ang nakapalibot sa buong buhay niya. Nagsimula ang mga araw niya bago pa magising ang lahat at natatapos pagkatapos naming mahiga. Naghahanda siya ng tatlong pagkain araw-araw, naglilinis ng bahay, naghihintay sa mga magulang ko, at inaalagaan ako at ang apat kong kapatid. Hindi siya kailanman pinasuweldo ng mga magulang ko, at lagi nila siyang pinagagalitan. Hindi siya nanatiling may renda sa paa, ngunit maaaring nagkaroon din siya noon. Napakaraming gabi, sa pagtungo ko sa palikuran, nakita ko siyang natutulog sa sulok, nakasalagmak sa tambak na labahin, dinadakma ng mga daliri niya ang damit sa gitna ng kanyang pagtitiklop.
One Philippines Newsmagazine Uk October 2022 By Olive I
Para sa aming mga Amerikanong kapitbahay, mga modelo kaming imigrante, isang karatulang pamilya. Sinabi nila iyon sa amin. Nagtapos ng abogasya ang ama ko, ang aking ina naman ay malapit nang maging doktor, at ako at ang mga kapatid ko ay nakakuha ng matataas na marka at laging nagsasabi ng “pakisuyo” at “salamat.” Hindi namin kailanman naikuwento ang tungkol kay Lola. Ang sekreto namin ay nakarating sa kaibuturan ng kung sino kami at, kahit man lamang kaming mga anak, kung ano ang nais namin maging.
Matapos mamatay ang ina namin sa lukemya, noong 1999, tumira si Lola kasama ko sa maliit na nayon ng hilagang Seattle. Nagkaroon ako ng pamilya, ng trabaho, at bahay sa labas ng lungsod—ang pangarap ng isang Amerikano. At pagkatapos ay nagkaroon ako ng alipin.
Sa kuhanan ng bagahe sa Maynila, binuksan ko ang siper ng maleta ko upang tiyakin na naroon parin ang mga abo ni Lola. Sa labas, nalanghap ko ang pamilyar na amoy, ang makapal na pinaghalong tambutso at basura, ng karagatan at matamis na prutas at pawis.
You Are So Special To Me': Ph Stars Celebrate Mother's Day 2023
Maaga nang sumunod na umaga nakakita ako ng isang tsuper, isang mapitagang lalaking nasa katamtamang edad na may palayaw na “Doods, ” at tinahak namin ang daan gamit ang kanyang trak na nagpapaliku-liko sa trapiko. Tinaranta akong lagi ng eksena. Ang hindi mabilang na mga kotse at motorsiklo at mga dyip. Nakikipagpatintero ang mga tao sa pagitan nila at patuloy sa paglakad sa mga bangketa sa malalaking kulay-putik na ilog. Ang mga nakayapak na nagtitinda sa daan ay patakbu-takbo sa gilid ng mga sasakyan, naglalako ng mga sigarilyo at gamot sa ubo at mga sako ng nilagang mani. Idinidikit ng mga batang pulubi ang kanilang mga mukha sa mga salamin.
Nagkaroon ako ng pamilya, ng trabaho, at bahay sa labas ng lungsod—ang pangarap ng isang Amerikano. At pagkatapos ay nagkaroon ako ng alipin.

Si Doods at ako ay papunta sa lugar kung saan nagsimula ang kuwento ni Lola, paakyat ng norte sa gitnang kapatagan: Probinsya ng Tarlac. Ang bayan ng bigas. Ang tahanan ng sundalong tenyenteng ngumunguya ng tabako na si Tomas, Asuncion, ang lolo ko. Inilarawan ng mga kuwento ng pamilya si Tenyente Tom bilang isang kakila-kilabot na tao dahil sa kaibahan at magaspang na ugali, na nagmamay-ari ng maraming lote ngunit kaunti ang pera at nagtago ng mga kerida sa magkakahiwalay na bahay sa kanyang lupain. Namatay ang kanyang asawa sa panganganak sa kanilang nag-iisang anak, ang nanay ko. Pinalaki siya sa pamamagitan ng hanay ng mga
Anthony Taberna Proud To See Daughter Zoey Battle Leukemia Bravely
Ang pang-aalipin ay may mahabang kuwento sa kanilang mga isla. Bago dumating ang mga Kastila, inaalipin ng mga taga-isla ang ibang mga taga-isla, karaniwan ay mga bihag ng digmaan, mga kriminal, o mangungutang. Ang mga alipin ay may iba’t ibang uri, mula sa mga mandirigma na maaari nilang makamit ang kanilang kalayaan sa pamamagitan ng kagitingan sa mga nagsisilbing kasambahay na itinuring bilang pag-aari at maaaring ipagbili o ikalakal. Ang mga aliping may mataas na katayuan ay maaaring magmay-ari ng mga aliping may mababang katayuan, at ang mababa ay maaaring magmay-ari ng pinakamababa. Pinili ng iba na pumasok sa paninilbihan para mabuhay: Bilang kapalit ng kanilang pagtatrabaho, maaari silang bigyan ng pagkain, tirahan at proteksyon.
Nang dumating ang mga Kastila, noong 1500, inalipin nila ang mga taga-isla at pagkatapos ay nagdala ng Aprikano at Indiano na mga alipin. Sa wakas ay sinimulang alisin ng Kastilang Monarka ang pang-aalipin sa tahanan at sa mga nasasakupan nito, ngunit ang mga bahagi ng Pilipinas ay lubhang kalat-kalat kaya hindi nabantayang mabuti ng mga awtoridad. Ang mga tradisyon ay lumala sa ilalim ng iba’t ibang pagkukunwari, kahit pagkatapos makontrol ng U.S. ang mga isla noong 1898. Ngayon kahit ang mahirap ay maaaring magkaroon ng mga utusans o katulongs (“mga lingkod”) o mga kasambahay (“mutsatsa”), hangga’t may mga tao na mas mahihirap. Malalim ang balon.
Si Tenyente Tom ay nagkaroon ng halos tatlong pamilyang mga utusan na naninirahan sa kanyang ari-arian. Noong tagsibol ng 1943, kasama ang mga isla sa ilalim ng pananakop ng Hapones, nagdala siya ng isang batang babae mula sa libis ng nayon. Siya ay pinsan mula sa laylayang bahagi ng pamilya, mga magsasaka. Tuso si tenyente—nakita niya ang babaeng ito na walang pera, hindi nakapag-aral, at malamang na magiging malambot. Gusto siyang ipakasal ng kanyang mga magulang sa magbababoy na dalawang beses ang tanda sa kanya, at talagang hindi masaya ngunit walang mapupuntahan. Inalok siya ni Tom: Bibigyan siya ng pagkain at matutuluyan kung mangangako siya na aalagaan ang kanyang anak na babae, na katatapos pa lamang maging 12 taon.
Activity Sheet Esp Quarter 2 Week 1 3 Checked
Umalis si Tenyente para labanan ang mga Hapones, naiwan si Mama kasama ni Lola sa kanyang lumang bahay sa probinsya. Pinakain, inayusan, at binihisan ni Lola ang nanay ko. Noong naglalakad sila patungo sa palengke, hawak ni Lola ang payong para takpan siya mula sa araw. Sa gabi, kapag tapos na ang ibang gawain ni Lola—pinapakain ang mga aso, nagbubunot ng sahig, nagtitiklop ng sinampay na nilabhan niya gamit ang kamay sa Ilog ng Camiling—nakaupo siya sa gilid ng higaan ng nanay ko at pinapaypayan siya sa kanyang pagtulog.
Si Lola Pulido (Ipinakikita sa kaliwa sa edad na 18) ay nagmula sa mahirap na pamilya sa probinsyang bahagi ng Pilipinas. Ang lolo ng may-akda ang “nagbigay” sa kanyang anak bilang isang regalo.

Isang araw noong panahon ng digmaan dumating sa bahay si Tenyente Tom at nahuling nagsisinungaling si nanay—bagay na may kinalaman sa isang batang lalaki na hindi niya dapat kinakausap. Sa galit ni Tom, inutusan niya siyang “tumayo sa mesa.” Yumukyok si Mama kasama si Lola sa isang sulok. Pagkatapos, nangangatal ang boses na sinabi niya sa kanyang ama na tatanggapin ni Lola ang parusa para sa kanya. Tumingin si Lola kay Mama na nagmamakaawa, pagkatapos ay walang imik na lumakad patungo sa hapag-kainan at hinawakan ang dulo ng mesa. Itinaas ni Tom ang sinturon at ibinigay ang 12 latigo, na binibigyang-diin ang bawat isang salita. Huwag. Kang. Magsinungaling. Sa. Akin. Huwag. Kang. Magsinungaling. Sa. Akin. Walang inimik si Lola.
Ruru Madrid May Promise Kay Bianca: Araw Araw Kita Ipagmamalaki Sa Lahat Ng Tao Bandera
Sa pagsasalaysay ng nanay ko sa kabataan ng kanyang buhay, nagagalak siya sa kapangahasan nito, na sa tono niya ay waring sinasabi na, Maniniwala ka ba na nagawa ko iyon? Nang sabihin ko iyon kay Lola, hiniling niya na pakinggan ko ang bersyon ng Mama ko. Nakinig siyang mabuti, ibinaba ang mga mata, at pagkatapos ay tiningnan niya ako nang may kalungkutan at sinabi lamang na, “Oo. Ganoon nga iyon.”
Pitong taon pagkatapos, noong 1950, pinakasalan ng aking ina ang aking ama at lumipat sa Maynila, kasama si Lola. Matagal nang pinaghahanap si Tenyente Tom ng mga demonyo, at noong 1951 ay pinatahimik siya gamit ang .32-kalibreng banat sa kanyang sentido. Halos hindi ikuwento ng Mama ko ang tungkol dito. Nakuha niya ang pag-uugali nito—pabagu-bago ng ugali, mapagmataas, lihim na marupok—at itinamin niya ang mga leksyon niya sa kanyang puso, kasama sa mga iyon ang wastong paraan kung paano maging probinsyanang matrona: Dapat mong yakapin ang iyong papel bilang tagapagbigay ng mga utos. Dapat mo iyong panatilihin sa iyong ilalim sa kanilang lugar sa lahat ng oras, para sa kanilang sariling kabutihan at ang kabutihan ng sambahayan. Maaari silang umiyak at magreklamo, ngunit magpapasalamat ang kanilang mga kaluluwa. Mamahalin ka nila dahil sa pagtulong sa kanila kung ano ang nilalayon ng Diyos.
![]()
Isinilang ang kuya kong si Arthur noong 1951. Sumunod ako, kasunod ng tatlo ko pang mga kapatid nang sunod-sunod.